"Hindi lahat ng MATA ay nakakikita kadalasan ang mga ito pa ang mga nag BLOG-bulagan sa mga bagay na dapat na pansinin. Ito ay para sa inyo para sa akin sa ating lahat. Ang mga Kuwento ng Matang Gala,
RSS

Sunday, July 11, 2010

Akong Bahala

"Mas madaling magmukang tanga kesa magmukang matalino"

First day of class, siya ang unang unang tao sa kwarto na nakakuha ng aking pansin. lalaki siya may kaliitan , may salamin at may malaking bag in short mukang matalino.

sa isang banda naman nakita ko siya, gwapo, matangkad, hearthrob yung tipong walang matinong gagawin. happy go lucky ang aura nya.

sa kabilang dako naman ng banda, katabi nya isang babae, may kulay ang muka, makapal ang pula sa pisnge maging sa labi, nakatinghas ang buhok sa mata. kaharap ang salamin, walang dalang gamit.

Botohan the next day..

naging president ng klase ang nakasalamin bnakit? muka daw matalino.
naging escort at muse naman ang babae at lalaki
bakit daw? kasi nga may ganda. ma-appeal.


hindi ko alam kung bakit iyon ang naging batayan ng mga taong bunmubuno sa maliit na kahon na aming pinagsasaluhan,

Saturday, May 29, 2010

Pilit na Ipinapasok sa Akin

"Sinabi ko na kasi sayo,
ako bahala sayo. Hindi kita ipapahamak, mahal kita"

ang mga katagang narinig ko mula sa kanya.
habang ako'y sinesermunan ng aking mahal na lola.

Halos palagi na lamang na ganoon ang drama ng mga nakakatanda kapag ako, kami;y pinagsasabihan, at sasabihin pa "Hindi mo ako maiintindihan sa ngayon pero pagdating ng araw mauunawaan mo rin ang sinasabi ko"

hindi ko alam kung bakit kailangan pa na SA PAGDATING pa ng ARAW pa dapat maunawaan ang sinasabi niya, at kelan ba dadating ang araw na sinasabi nila? eh hindi ba dapat KAPAG dumating na ang araw na iyon dapat saka nila sabihin iyon ,at saka hindi ba dapat ngayon na maunawaan? eh alam pala nilang hindi ko nauunawaan o naiinrindahan ang mga sinasabi nila nagpagod lang sila. ha ha ha ha.

Ikalawang Tagpo: Okasyon ay Tradisyon and vise versa


Hindi ko alam kung anu bang pumasok sa isipan ko ng araw na iyon. Ang tanong na pilit bumabagabag sa aking isipan.

Bakit Kapag Fiesta may handa?

"Tradisyon na kasi, pasasalamat sa patron natin (kung sinu mang patron na nakapangalan sa barabggay)"

eh lintak kaya nag kakabaon baun sa utang eh!

Bakit kapag Binyag may handaan?

"Bakit ngayon lang nabinyagan ang bata? 1 taon na ang bata bakit ngayon lang nabinyagan?" tanong ng maurirat na Ale.

"Kasi mahal ang mag pa binyag"(meaning: walang panghanda) sabi ng chismosang kapitbahay

anu ba naman ang ikinamahal ng pagpapabinyag? eh para bubuhusan lang naman ng pari ang ulo ng bata, wala namang bayad ang pagpapabinyag ah, (kung meron man siguro halagang 100php pede na)

Bakit kapag Birthday may Handa?

"Happy Birthday!" anu handa?

Eto pa ang isa bakit ba kailangan pa maghanda kapag bday? eh hindi ba't malapit ka ng kunin ni kamatayan? kasi tumatanda kana ? hello!

Bakit kapag kasal my Handaan?

eto pa ang isang matindi. Para bang bawal magpakasal kapag walang handaan . Napakadami naman kasing Ninong at Ninang na kinukuha tas di naman bawi ang nagastos sa nakuhang pera at regalo h,mmm.

Bakit Kapag Namatay may Handa?

para tuloy reunion ang nangyayare kapag may patay. pati apo sa kalyo lumalabas.

Bakit kapag ika isang taon ng kamamatayan dapat may Handa pa rin?


"kasi nga tradisyon na anak"


-end-

hindi ko alam kung bakit kailangang may handa? anu ba meron sa handa? bukod sa pagkain na kakainin (wag kang pilosopo alam kong isinagot mo ay pagkain haha dahil iyan din ang naisip ko lol)



Oo nga pala maalala ko.


minsan habang ako'y naglalakad sa isang ...



Nakalimutan ko na ulit ! ha ha ha


marami pa akong kuwento, pero eto ang matindi.

Sunday, May 9, 2010

Iboto si WISELY!

Napakaganda ng panaginip ko kaninang umaga,..

naamoy ko ang pabango ni papa, sabi ko sa sarili, aba san ang punta ni papa? umagang umaga, natulog ulit ako ..mayamaya sumunod ng dumating si mommy, at sinabi,., anak gumising ka na bantayan mo ang inang boboto lang kami. hindi ako makapag salita ng ayos dahil sa sobrang pagkaantok. umungol nalang sa pahiwatig na narinig at gagwin ang iniutos sa akin. Bumalik akosa pagtulog.


"BUZZ,, BUZZZ BUZZ..PATA-PATA-PATAPON!.." ang alarm tone ng aking telepono ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog, alas otso bente na ng dumilat ang akingmata. pero nakahilata parin at nagbabasa ng mga mensaheng galing sa kung kanino man.

..E---lEKS--YON--NA---NGA---PA--LA,, mabagal at walang buhay na pagkakabigkas, GM nila o group message patungkol sa eleksyon. Hindi ko alam kung bakit nakaugalian ko ng tamarin magsalita patungkol sa isang Okasyon lalo na't sa araw na mismo na nagaganap ang nasabing OKASYON. halimbawa nalang ngayon, nang mga nakaraang araw o linggo o buwan halos wala akong bukang bibig kundi ang nalalapit na e-LEKSYOn, pero ngayong araw na nag eleksyon hindi ko magawang magsalita o magsabi ng VOTE WISELY.


Pero sino nga ba si WISELY?
halaos nasa lahat ng tarpulin,naglalakihang poster,commercial add nakalagay ang kanyang pangngalan.PLEASE VOTE WISELY!,

tila nagmamakaawa pa siya na iboto siya, eh halos siya na nga ung laman ng mga papel na idikit sa bagong pinturang pader ni Aling Ising na kapitbahay namin na masungit na galit sa pusa nilang inagwan ng ulam ang anak nitong papasok sa munispyo na graduate ng i.t para sa trabaho na GUARD ng PCOS machine.

mabalik tayo sa pinaguusapan, sino nga ba si Wisely?

Si wisely na kumakandidato Bilang..

PRESIDENT
VICE PRESIDENT
SENATOR
CONGRESSMAN
GOVERNOR
VICE GOVERNOR
MAYOR
VICE MAYOR
COUNCILOR
BRANGGAY CAPTAIN at hanggang sa baranngay tanod.

halos siya na lahat ,,

siguro mayaman si Wisely, Sabi naman ng Iba MAHIRAP daw,, na YUMAMAN.

si WISELY, graduate ng U.P ng Harvard
at halos lahat ng kurso nakuha niya.

sabi nya, marami na akong nagawa,.

nasaan? sana nararamdaman at nakkita namin.. sana..

halos lahat ng bagay nasa kanya na..lahat ng bagay.. bagay..
pero ano nga ba

dapat ba na iyon ang mga maging
batayan?

paano ba talaga bumoto? sa pagsunod sa kung
paano ipasok ang balota sa pcos machine?

o

o
sa pamamagitan ng pagtitimbang at paggamit ng ibinigay na talino sa atin o WISDOM para makaboto ng tama. Ang Tamang Pagboto ay ANG PAG BOTO NG TAMA

Saturday, May 8, 2010

Time of My Life by Brianne Constantino




"Time of my Life"

elementary days

he's always sitting right next to me, for my surname follows his. 3rd grade was our first meeting but we're not too close, i find him quite silly but funny deep inside. silent but loud to himself. not so intelligent but just hiding his true brilliance.

he loves to draw, that's all i know,..
Until 4th grade arrives, he's now sitting next to me,
and whether he like it or not, admit it or not,
i know deep in me, im his, KNIGHT IN SHINNING armor haha sounds awkward right?
ok let's re-phrase it. im his Angel, keep watching on everything he do, everything just for him, i dont know why


I hate him actually, for being such a coward silent kindhearted person, he just keep smiling even they teases him, but luckily it's the best thing that i love about him. or maybe we're the same.

Sooner, and later, we tend to know each other more, getting close, closer and more closer, that's why our classmates end up in teasing us both, until 6th grade arrives,im not sitting right next to him, everything follows,the bond starts to melt, but nothing has change, as the same all routine, helping him makes me feel better.


Highschool days

everything change. the gap started to grow, i dont know why? but maybe because "palagi kami tinutkso, hindi na nawala ang LOVE TEAM "daw" namin since elem, that's why maybe, it's the reason behind the gap.


time goes by, he started to form his own band, sing out loud in front of many, walking with over flowing self esteem, and his handsome face. That Coward Silent type doesnt change a bit while he's sitting but ,. BUT whenever the stage's calling him to perform, it's like a BOOM! the snail comes out of its shell

and Today


This time is his time, He started to pick and put up the pieces of his dreams to become reality, knowing what he whats and knowing who really the true him ,im so proud of him very very, proud. maybe i'll say im no Fortune teller but, he's time start's today.



And no matter what like it or not, I'll stay, behind him no matter what, even im not being seen, by him. it's fine and ok, I'll just be right beside him, even if he doesn't know, i'll keep on watching him just like the old days. Getting Tired is not in my vocabulary with regards to Him.


I'll always be here

Thursday, May 6, 2010

Renew? Recycle? o Newklamo?(reklamo?)

"P*&%$#@!!! naman woh! kasi naman
haharang- harang sa gitna ng KALSADA eh! p*&*^&%%$#@@!!

- driver ng owner type jeep na nabangga sa
PINK fence ng MMDA

"Sunny day la la la la la... " ang aking kinakanta ng biglang "BOG--ihhhhnnggggg BLAG>>>BOMBAG>>SHHH>BUGG!" isang owner type jeep ang sumalpok sa PINK fence ni Engr. Bayani Fernando, na naging sanhi ng isang umaatikabong trapik sa kakalsadahan ng maynila.

wala pang ilang minuto ay dagsa na ang mga usisero at usiserang tao,(at kasama na rin ako dun) maging ang mga media ay tila kabuteng nagsulputan kung saan, at eto na nga dumating na ang Ambulansya, Pulis at MMDA,


Tumatakbo, nagmamadali at nagkukumahog na reporter ang lumapit sa driver at tinanong "Sir, ano ho ba ang nangyare?"

"P*&%$#@!!! naman woh! kasi naman haharang- harang sa gitna ng KALSADA eh! p*&*^&%%$#@@!! kung hindi ba naman kasi nakalagay iyang PINK FENCE NA YAN HINDI SANA AKO MABABANGGA" ang mga namutawi sa bibig ng driver ng oner type na jeep na akala mo naman eh isang mercedez benz ang kaniyang minamaneho sa lutong at lakas ng kanyang pagmumura."


Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang pag-aamok ng driver, hindi ba't dapat siya'y magpasalamat dahil walang nangyare sa kanyang masama? at bakit niya sinisisi ang PINK FENCE na walang kamalay-malay?

Hindi ko lang magawang isingit ang sarili sa mga media dahil napalabo ng isinagot ni MAnong Driver sa tanong ng Reporter na "Ano po ba ang nangyare?", pero buti nalang matalino itong reporter na ito at nagtanong sa mga naging saksi at ang driver ng honda civic na muntik ng mahagip ng owner type na jeep.

"boss, boss Ano po ba ang nangyari?" tinanong si Mr. Chinito ang may ari ng honda civic, "kasi ganito yun nasa likuuran ko siya ngayon bigla siya nag over take sa kanan na talagang malabong makasinggit siya sa kipot ng daan, kaya ayun sumalpok sa pink fence" sagot ng gwapong gwapong driver ng honda civic,, hmm take note tiga USTE siya huh.

"kAsi ho, bigla siyang kumanan at sumiksik sa gilid at nag-over take sa gilid ng kotse"ang sagot ni Manang na nagtitinda ng sago't gulaman, actually masarap ung gulaman nya ha, natikman ko kasi eh hahaha. ok back to the topic.

sa totoo lang nakita ko naman ang nangyare at ang may kasalanan talaga ay ang BARUMBADONG driver ng OTJ, kung hindi ba naman kasi nakipag gitgitan sa honda hindi sana siya mababangga , pasalamat kamo siya at tumama siya sa PINK FENCE ng MMDA dahil kung hindi dahil doon malamang ay napunta na siya sa kabilang lane at lalo pa naging sanhi ng trapiko.

, Pinagpatuloy ko ang aking pamamasyal sumakay na ako sa sasakyan ng Pinsan ko, inilibot ko ang paningin "PINK, kawawang PINK Fence," halos sa lahat ng aksidente na sangkot si PINK FENCE palagi na lamang na sa kanya ang sisi ng mga motoristang akala mo sila ang nagmamay ari ng kalsada ng maynila.

Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ng PINK FENCE na iyon eh kung tutuusin may tulong naman na naibibigay ito. MAging ang pagrereklamo ng mga motorista sa pagiging kulay pink ng Maynila.

Bading daw ang kulay, pambabae, bading daw si Bayani, ang daming kuro-kuro o reklamong itinatalak sa kulay pink na motif ni Bayani.

Hindi ko ipinagtatanggol ang kulay na pink hindi ko paborito ang kulay na pink ayoko ng pink kulay luntian o berde ang paborito kong kulay (para sa mga magreregalo sakin ngayon alam nyo na ang fav. color ko)


lumipas ang ilang taon napalitan na ang Chairman ng MMDA, maging ang kulay ng Tulay, pader, over pass at maging ang kawawang PINK fence ay napalitan na ng kulay DARK GREEN!!!! anak ng patuka naman oh! hindi ko nagustuhan ang naging pagpalit anyo ng MAYNILA,

dahil kung pagiisipan mo DARK GREEN!!!! sa kalsada!? paano kapag dumilim? hindi magrereflect ang ilaw ng sasakyan!? at ang KULAY NG MGA PLAKA o SIGNS na nakadikit sa OVER PASS o maging ang mga nakabalandra sa gilid ay KUYA GREEN ugmang ugma sa kulay na ipinalit nila. COMOPLADGE!? ba?

anak ng patuka talaga oh! hindi ba't lalo ito magiging sanhi ng pagkalito ng mga driver ? hindi ba? dahil hindi makikita sa dilim ang kulay itim din!

tapos ngayon ang mga nagrereklamo sa kulay PINK na FENCE ay lalong nagrereklamo dahil sa ipinalit na kulay.

natatawa na lamang ako, hindi ko malaman kung sino ba ang may sira o topak o problema? ang gobyerno ba? o ang mamamayan? reklamo dito reklamo doon, ayos dito ayos doon, wala namang nagyayare maging bago man o luma may reklamo, umaraw umulan may reklamo hindi ba talaga mawawala ang reklamo?


Ngayong nawala na ang PINK na nirereklamo ngayon nawala naging GREEN nagrereklamo pa rin siguro kapag naging presidente si NOYNOY , YELLOW na ang kulay hindi lang MAYNILA maging buong PINAS.



Sunday, May 2, 2010

Tamang Arte - ni Palito

"buzz, buzz ,buzz" isang tunog mula sa laptop isang tawag mula sa amerika sa pamamagitan ng SKYPE.

"hello, there! how are you?" isang babae na may edad ang bumati sa amin. Tita ko pala.

hindi ko alam pero hindi naman kami ganong ka close pero andoon ako at nakikiusisa.


nauna, sila ang ibang mga kasamahan ko sa bahay, na kumausap sa kanya at dumating na ang aking turn. Kinausap ko siya sa wikang Filipino, tagalog to be exact, napansin ko na may pagka- slang na ang kanyang pananalita at parang bulol ang kanyang mga lettra.

hindi ko nalang pinansin.

"andito ang pinsan mo si Kuya Toy mo" ang sambit sa amin..

medyo kinabahan ako dahil hindi marunong si kuya magtagalog, pero nakaramdam naman ako ng excitment dahil kahit papano nagkita kami sa computer.

" hello everyone!how are you?" ang bati ni Kuya Toy,

"well we're fine here, how bout you" ang banat ko, katabi ko ang aking Ate Kuma pero hindi siya kumikibo hindi ko alam kung dahil ba sa Hiya o nahihiyang magsalita ng english o dahil wala lang?,

"hey, you're hair is very long, ..look do you like my hair style?" sabay himas at ayos ng kanyang buhok.

"hahaha what happend to your hair? emo huh!? hahaha" lahat sila tumawa maging ang kuya ko

" why you dont like it?" ayos dito ayos doon ng kanyang buhok.

sa aking palagay ay bagay na bagay ito sa aking kuya kasi iyon ang gusto kong hair style sa mga lalake lalo na kapag ito'y' nabagay sa kanila, "yeah,, i reaaly really like it! it's fine and it looks good to you" ang aking banat

at humaba pa ng humaba ang usapan naming magpinsan.

nagpaalam ako sandali at umupo sa balikbayan kong pinsan si Kuya Dudz.

"what is that? ganyan na ba mga palabas dito sa pilipinas?"
nasa channel 5 kasi ang stasyon na napanood namin ung palabas na may dalawang magkaaway tas pag-aawayin (dahil ganun nga ang mangyayari kapag ngharap ang magkaaway)

"hindi ko alam kuya, well,, another stupid showw,,," ang sabi ko with a long shooowww pronounciation to emphasize the stupid showwww,

"ang arte ng english mo... stupid show... " ang banat sa akin na talaga namang ikinainis ko he's mimicking the things i've said.

kaya dahil sa talagang pagod na ako at antok hindi ko na pinatulan ang kuya ko alam kong joke iyo pero seryoso. pero aaminin ko medyo napikon ako sa ginawa niya.

Kaya ako'y pumanik at humiga, sa aking malambot na lumang kama.

"ang arte ng english mo..." inulit ko iyon at sinabi ko,,

at naitnanong ko ang mga ito:

1. Bakit siya maarte rin ang pagdeliver ng english nya dahil sa slang, at kung magtagalog slang din maarte. nakakatawa. (minsan ginaya namin ang salita niya sa tagalog nagalit)

2. Bakit kapag ang pilipino nangsalita ng english na may slang na katulad ng laking amerika sinasabihan na maarte ang english pero kapag ang pilipino na pumunta lang ng states ng ilang buwan para sa bakasyon at umuwi na dala ang SLANG ng amerika kapag ng english hindi sinasabihang ANG ARTE NAMAN NG ENGLISH mo.

3. Bakit sinasabi na MAARTE ang ENGLISH mo?gayong TAMANG pronounciation (pro-NUN-cia-tion) lang ang nagawa mo. kailan pa naging Mali ang Tama, malamang tama ang pronounciation mo pero kaya naggiging maarte ang labas nito ay dahil sa emosyon na ibinibigay mo sa pagbigkas nito, batay na rin sa kausap mo.

4. Higit sa lahat bakit kapag kilala o tanyag ang isang tayo hindi mo masabi na MAARTE siya magsalita kahit gustong gusto mo sabihin?

5. Bakit ba ang mga pilipino kapag nag salita ng English, maarte ang labas? dahil hindi natin ito llingguwahe, akala ng iba nagpapasikat kalang, INGGIT sila dahil di nila kaya magsalita ng wikang ingles.


Ng minsan naka encounter ako ng isang French national, na bumisita sa aming bahay, walang nakakausap sa kanya kundi ako. pero ang Ingles ko na Maarte napunta sa isang pormal at magalang na pananalita at pagdeliver ng ingles pero nasa tamang baybay.

pero sa tuwing kausap ko naman sa wikang ingles ang mga pinsan ko na halos kasing edad ko lamang ay sobrang iba ang aking pananalita ng ingles,


ang tanging masasabi ko lang ay,, Oo maarte ako magsalita ng ingles, pero TAMANG ARTE, sapagkat ang pananalita ay maituturing kong katulad ng isang drama sa teatro kailangang may tamang expression, pagbaybay sa bawat salita at tamang damdamin, at nababatay kung sino o ano ang iyong kausap, dahil isa ito sa nagsasalamin sa tunay na pagkatao ng iyong katauhan. TAMANG Arte lang.

Monday, March 29, 2010

Synthesis on Philosophy of Man

Synthesis on Philosophy of Man
Paano ba ako magsisimulang uriratin at himayin ang aking natutunan sa isang semester sa pilosopiya? Ayan nahihirapan ako kasi pakiramdam ko wala akong natutuhan, ang nasa utak ko ay iyong mga pinag-aralan naming great philosophers, tulad nila Kant, Kung Fu Tze, Descartes , at marami pang iba. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.

May natutunan pala ako “That Waray, Ilocano, Bisaya, Kapampangan are not dialects but Regional Languages” ang mga bobong titser ko ng elemtary na katangahan ang itinuro sa amin patungkol sa pinagkaiba ng Linguwahe at Dialekto.

Pero hindi iyon ang isinasaad sa kung ano ang natutunan ko rito sa subject na ito. Iyon nga bang kung saan o kung ano ang pananaw ng iba’t-ibang pilosopo na aming tinalakay? O ang mga joke ni sir lalo na ang Electrikity? O ang mga sermon niya sa amin sa tuwing napupuno na nila ang salop ni Sir?

Sa palagay ko, sa aking pananaw, hindi yung kung ano ung pinagaralan naming na tinalakay niya na nababase sa aklat naming o sa kanyang lesson plan kung hindi ay kung ano ang tumanim sa amin utak at kaisipan na dadalhin naming hanggang sa kami’y mahimlay. Ang walang patawad na kalolokan sa pagbibiro ay kasama sa aking sinasabi.

Ako bilang isang estrangherang napadaan at napaupo at naipagpatuloy ang pagupo habang nagmamasid at nag-iisip, hindi ko namalayan na nadaragdagan ang aking kaalaman (hindi ito po ako nambobola) pero ano nga? Iyon ang gusto ko malaman.

Nalaman ko at natutunan kong pumasok palagi ng nakayuko kasi late na naman ako (hindi pala yun), ay kung papaano mag-isip at pag-isipan ang mga bagay na dapat pag-isipan. Na walang mararating ang mga taong nagmamarunong lamang, walang masama kung hindi mo alam ang isang bagay, walang masama kung magtatanong ka, at walang masama kung aaminin mo sa sarili mo na “WALA AKONG ALAM”

Sabi nga nila bakit ko pa aalamin ang bagay na alam mo na? kaya ang taong ito ay IGNORANTE, dahil hindi na makikinig dahil sasabihin nito na “EH ALAM KO NA YAN” mas malala pa ito sa mga wala talagang alam. Iyon ang isa sa aking natutunan na talagang masasabi kong tumanim sa aking isipan at sarili.

Hindi ko kailangan ipangalandakan na ALAM KO NA ITO dahil sa totoo lang, natuto ako na sabihin sa sarili ko na WALA TALAGA akong ALAM, dahil kakaunti pa lamang. Dahil ditto ay nagiging mapusok lalo ang aking damdamin at isipan na malaman ang lahat ng bagay na alam ko na at mapagyaman ito lalo na ang HINDI KO pa alam.

Natuto ako na MAG-ISIP, at paganahin ng mabuti ang aking isipan para masabi ko na ako’y naririto na hindi ako palamuti dahil ako ay NAG E-EXIST sa mundong ito. Na marami pang bagay ang dapat pagtuunan ng pansin, at higit sa lahat may nalaman ako.



p.s lagot sakin ang mag cocopy paste ng gawa ko kaya kayong mga bata kayo kapag pinagawa kayo ng reflection sa philo at nahanap nyo itong aking sagot abay magbayad kayo ha it's against MY COPY RIGHT hahaha

Saturday, March 27, 2010

Ang Tradisyon

"dapat kasi hindi na binabago ang oras eh ng hindi nagugulo ung tao"

-- ang mga salitang gumising sa aking masarap na tulog, kasabay ng pagbukas ko ng aking pintuan.. lumabasa at sumilip sa pinanggagalingan ng ingay, si mommy pala (tita ko na asawa ng tito ko na kapatid ng papa ko na anak ng lola ko na apo ako?? ha?)

"Palm Sunday na pala," iyon ang pinag-uusapan ng aking papa at tita, ako naman usisera naki sabat na..

Bakit? bakit?.. iyon ang aking tinatanong, "eh kasi maraming naiinis kasi hindi na bawat misa ang basbas ng palaspas kung hindi may oras na, kaya maraming naiinis dahil tagal nilang hinihintay tapos hindi naman pala babasbasan ng pari, bakit ba kasi iniiba pa ang tradisyon? ayan tuloy nagugulo ang tao..."


pasagot na sana ako na.. nang biglang " Sabagay sabi nga nila iba iba ang hari kaya iba rin ang palakad" nagtanong pa ang aking mommy siya din pala ang sasagot,

napaiisp ako bakit ba kasi ginagawa pa ang mga bagay na iyon? uso ba? o talagang panahon lang kaya ganun... kasi parang nagiging katatawanan nalang sa akin ang mga tradisyon (paumahin sa mga masunurin)

1. Pabasya o Pasyon- langya kulang nalang ay mabasag ang lahat ng kasangkapan namin sa bahay dahil sa mga nagbabasa ng pasyon, walang humpay mula umaga hanggang hapon dapithapon at sa madaling araw walang humpay sana naisip nilang may nais matulog

2. hampas dugo - para sa mga sadista ung mga tipong nais saktan ang sarili, gagapang, magpapapalo sa puwit dadapa sa kalsada, magpapasa ng krus kulang nalang eh magpapako para kumpleto na ang play!.

3. Pasting - o pagaayuno, papatyin ang sarili sa hindi pagkain, puro tubig walang karne o anu pa man puro isda isda..(pabor ito sa mga nag Da DIE-t kasi bawal ang karne eh puro gulay at isda lang ang pdeng kainin)

4. prusisyon - ang pagsunod sa mga rebulto pagdadasal ng rosaryo at may kasama pang kandila na may sindi ( pero makkita mo mga nakasunod natitipon sa likod malayo sa namumuno ng dasal mga nachi-chismisang manang at manong, nag p- pda na magkasintahan, mga barkadang tawanan ng tawanan, at higit sa lahat parang mga nagpa fashion show ang mga sumusunod dahil sa pamatay na outfits! take note! may naka dress at heels pa ha 2 inches to be exact tingnan ko lang kung hindi magreklamo sa haba ng lalakarin)


maraming pakulo at pautot na nalalaman sa pagdating ng Mahal na Araw, gagawin ang mga naturang tradisyon, pero sa tingin ba ninyo? nababawasan ang mga kasalanan nyo?

1.kung ang lola mo ay palaging nagbabasa ng bibliya at pag may dumating na PLAYER pitsa ng majong na ang hawak o di kaya'y papel na may hugis spade,flower,hearts at diamond?

2.kung ang naghahampas dugong tiga sa amin na nagnakaw ng manok ng lolo ko sa aming bakanteng lote,.. bakit nawawala naman ang mga talbos ng kamoteng itinanim ng lolo ko na masarap sa Ramen noddles ko ang nawawala, at nakita ng kapitbahay na sinigang na talbos ang ulam ng naghampas dugong tiga sa amin?

3. ang kuya kong muntik ng isugod sa ospital dahil hindi makakain, hindi dahil masakit ang ngipin at hindi rin dahil sa hindi nasarapan sa luto ko kundi dahil hindi marunong kumain ng isda o gulay !anak ng tipaklong!

4.ang babaeng todo sa heels akala mo naman ay maganda eh hindi naman pala babae kundi binabae na naghahanap ng papa sa prusisyon?


anung klaseng tradisyon ba ito? TRANTADO-syon ba? gumising kayo! at baka kayo'y mabangungot!

Saturday, March 20, 2010

Bakit Bilog ang Mundo?

"Bilog ang mundo"
-Ginerbra

Tumpak sa malamang ang Ginerbra pero hindi rin, may sablay din. bilog nga ba ang mundo? hindi ba't ang mundo ay nakahilis dahil sa pagikot nito sa kanyang axis? kumbaga spherical o tila itlog ang hugis nito, pero maisasama pa rin ito sa hugis bilog dahil ang BILOG o CIRCLE sa salitang alien ay nanganaghulugan na

"Isang uri ng bagay o hugis na walang simula o katapusan, closed figure"

o siya sige sige wag na nating pagtalunan ang kahulugan o ang katauhan ng bilog na hugis itlog(sayang d pa ko botante kabisado ko pa naman ung kanta ng sexbomb na yon .. teka nalalayo na ako) Ok mabalik tayo sa ating usapan. Nasaan nga ba ulit ako?

ah oo nga sa Bilog , ang bilog na mundo.

anu nga ba ang kahulugan nito sa aking pag-iisip ngayon?

Kung iisipin mo ngayon,oo ikaw nga na susisero o usiserang nagbabasa ng blog ko na napakatamad mag comment, ikaw nga ang aking kausap. Ako'y may itatanong sa iyo,

Sa tingnin mo ba bakit Bilog ang mundo?

a. DAHIL ITO AY NAAYON SA KAGUSTUHAN NI BRO?
b. DAHIL SA ITO ANG MAGANDANG HUGIS PARA SA PLANETA?
c. DAHIL SA ITO PA LAMANG ANG NADIDISKUBRENG HUGIS NOON PA MAN?

kung anu man ang sagot mo sa tatlong yan, malamang maaring tama o hindi kasi kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko alam JOKE lang, pero hindi nga maaring tama rin naman ang inilagay ko.. o sige pampalubag loob maglalagay ako ng..

d. NONE OF THE ABOVE / NO COMMENT

sa totoo lang may nakakaalam ba talaga kung bakit ganito ang hugid ng mundo?
kasi maging ako hindi ko din alam, baka me nakakaalam diyan paki sagot naman please!

-------


Ok eto na seryoso na ako....
eto ang kasagutan ko sa aking May kuwenta na walang wentang Tanong.

Bakit Bilog ang Mundo?

Hindi mo ba napapansin kaibigan? sa mundong ito tayo ay maikot-ikot lamang? sumasabay sa pagikot ng beggar na mundo?

una:

"sa pagsakay mo sa jeep, late ka na sobrang traffic tas biglang nagiba ng ruta si manong SHORTCUT daw eh parang LONGCUT pa ang ginawa ni manong diver dahil sa pasikot-sikot na daan. pero nakita mo UMIKOT lang pala kayo nag daan para makarating sa THIRD GATE ng BSU.

ikalawa:
, noon uso ang Beatles isama na natin si M.J gayon din si BOB MARLEng IDOL tapos nawala hindi na pinakinggan, nang nagdisband sila JOHN LENNON, ay pusang gala daig pa ang SARS sa pagkalat ng mga REVIVE songs nila, ganun din kay pareng BOB MARLEY at MARENG MJ, (gurl na kasi siya), paulit-ulit nabubuhay ang mga kanta nila at ngayon nga anjan na sila BLOOFIELDS (iloveyouROCKY), BROWNMANREVIVAL at ang mga talentado sa panggagaya ng moon walk o gravity ni MJ.

ikatlo:

Dati usong-uso ang DRESS, tapos nalaos ng dumating ang DENIM, baduy na kapag naka bestida at IN kapag naka maong, tapos ngayon BADUY na si MAONG uso na ULIT si BEstida at pede na ring mini bestida.

ikaapat:

Ang problemang hindi na natapos, natatapos at matatapos malamang dahil buhay ka pa kapag 6ft below the ground ka na wala ka ng problema nakatulong ka pa sa appetite ng mga uod at bulate. Paulit-ulit lang naman ang problema iba ibang sitwasyon lang at iba lang ang oras pero problema pa rin wlanag pinagbago UMIKOT LANG sayo, umalis o naresolba walang problema umalis si problema tas mamaya babalik na din kasi napagod na sa pagiikot kay aun bumalik . GETS mo?


ang dami ko pang satsat pero iyan lamang ang ilan sa mga halimbawa ko kung bakit bilog ang mundo siguro sa palagay mo walang kuwenta ang sinasabi ko PINAIKOT LANG KITA-

ALA EH! tama ka! PINAIKOT lamang kita sa nais kong SABIHIn -kasi wala ng trill kapag dineretso hindi ba?

PERO sa tingnin mo bakit ko isinaad ito sa aking blog?

simple lang...

dahil tulad ng BILOG walang katapusan, ang MUNDO ay wala ring humpay sa pag-ikot kahit na tayo'y mawala sa lupang kinlalagyan natin iikot at iikot pa rin ito patuloy na mabubuhay sa panahon.

gayon din ang buhay nating mag eskuwater( lahat tayo eskuwater LITERAL; dahil ang buhay natin hindi permanente) patuloy tayong nabubuhay sa Pag-ikot ng oras hindi man natin namamalayan pero palagi at palagi nalang na ULIT-ULIT ang sistema ng ating buhay, matutulog, giging kakain,gagawa, kakain, matutulog, gigising kakain,gagawa, kakain, matutulog................................


At sa pagiging bilog ng BUhay nagiging maliit ito at masikip para sa ating lahat, dahil walang diretsong daan kundi PAIKOT na daan lamang ang ating tinatahak, kaya wag ka ng magulat kung ang kakilala mo ay kakilala din pala niya, at kung mas matindi ay kaaway niya at kaaway mo din, kampi nalang kayo para awayin siya haha o diba masaya.

sa pagiging BILOG din ng BUHAY natin , dumadating ang pagkalito natin dahil nga walang matinong daan, na maari mong tandaan dahil sa bawat ikot mo hindi mo maiiwasan na maligaw , o kung hindi man ay mawala, pero makikita mo makakabalik ka pa rin ng hindi mo namamalayan.

sa pagiging bilog din ng Buhay natin , nakakakilala tayo ng mga tao na hindi natin maaring iwasan, tandaan mo maliit lang ang mundo, at dahil dito kahit iwasan mo ang gusto mong iwasan hindi mo siya maiiwasan dahil tiyak na magkikita at magkikita parin kayo dahil PAIKOT ang DAAN hindi ito DIRETSO.


ito ang ilan sa mga nakita kong sagot mula sa tanong ko kung bakit bilog ang mundo, pero sa tingin mo ba? iyon ba ang dahilan? kasi ako hindi ko pa rin tal;aga alam, kung bakit nga ba BILOG ANG MUNDO, kung hindi nalaman ko na ang tanging permenente sa mundo at sa buhay ay ang pagiging BILOG NITO, paikot-ikot, at sa madaling salita

"CHANGE o pagbabago ang tanging sagot Kung bakit BILOG ANG MUNDO"

Monday, March 8, 2010

Pambungad na Pagmumuni-muni

Pambungad na Pagmumuni-muni
Ni: Roque J. Feriolls, S.J

Hindi ko na iisa-isahin o hihimayin pa sinabi ng may akda sa kayang mga isinaad na kategoraya sa pag-papairal ng pilosopiya, bagkus aking sasagutin ang ilan dito.
1. Pagmumulat
a. “Hindi lahat ng alam mo ay alam mo na, hindi porket alam mo na ang isang bagay dahil sa isang literal na pagpapaliwanag ay alam mo na ito, marapat na ito’y iyong alamin o maranasan upang masabi sa sarili na alam mo na ang iyong alam. Magkaiba ang alam at alamin.”

2. Liwanag
a. “Hindi maaring sa iyo ay maliwanag ang isang bagay at sa kanya ay hindi, dahil para ka lang nakipag-usap sa isang banyaga. Maaring ang pagkakaintindi niya sa sinabi mo ay pangit siya pero ang sinabi mo ay napaka pangit nya. Maganda at makagaganda ng buhay kung matututo ang tao na magusap hindi usap lang kung hindi ang pagkakaunawaan o pagkakaroon ng liwanag.

3. PANDAMA

a. Talinghangang Pag-uunawa
i. “Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, at hindi lahat ng totoo ay ipinapakita sayo. Sa buhay dapat tayong matuto kung paano huminto at unawain ang mga bagay na mahirap unawain. Dahil kung hindi ka hihinto sa iyong kinalalagyan lalo mo lamang ginugulo ang iyong sariling kaisipan at ng mga nakapaligid sa iyo. Huminto ka at magpalamig at kapag patag na muli ang alon ng dagat saka ka mamangka upang maging maayos ang iyong paglalakbay.

b. Pagkita ng Mata at Pagkita ng Isip: NAGTATALABAN
i. magandang halimbawa dito ay ang aking kaibigan eto ang wika niya sa akin:
“Nakikita ko sa kilos at galaw niya na mahal niya ako pero kung ang isipan ko ang aking gagamitin maaraing ito ay gingawa lamang niya dahil sa alam niya na mahal ko siya or in return sa gingawa ko sa kanya, at kung papaganahin ko ang aking pakiramdam aaminin ko OO nararamdaman ko na mahal pa nga niya ako pero KUNG paiiralin ko ang aking ISIPAN, makikita ko na maaring AKO lang ang nakadarama na mahal niya ako sa madaling salita nararamdaman ko ba na mahal nya ako talaga DAHIL sa ITO ANG NAIS KONG maramdaman o ISIPIN? Pero KUNG TITINGNAN KO ANG KANYANG mata , alam ko na ang sagot MAHAL NGA NIYA AKO. Pero… kung ang isipan ko…ang paiiralin maaring ito ay…”
Magulo hindi ba? Bumabalik at bumabalik lamang siya sa rason niyang PERO at sa bawat dahil ng PERO ay iisa ang lumalabas. Paulit-ulit. Magulo. Nakaklito.

ii. “Hindi lahat ng nakikita ng mata ay dapat paniwalaan pero hindi ko sinasabi na ang lahat ng ito ay pawang huwad.”
Kung ikaw sa sarili mo alam mo na organisado ang isipan mo at hindi magulo , wag kang makikipag usap sa isang magulo dahil makikita mo pati ikaw ay magugulo.

Eto na ang pinakamagandang parte ng aking repleksyon ang pagtatapos ( dahil alam ko na naguluhan ang aking mambabasa sa mga sulat kong oraganisado na magulo.) Ito ang puno’t dulo ng aking mahabang repleksyon:

“Sa ating paglalakbay sa mundong ibabaw, tayong mga tao , oo ikaw nga ako, ikaw tayo, tayo ang direktor, panunulat ng ating istorya, multitasking hindi ba? Pero aminin mo man o hindi ganun talaga, dapat lang maruong kang huminto at magpahinga ng saglit upang maging maayos muli ang gusot sa buhay natin. Na lahat tayo ay PILOSOPO ng ating sarili. Patuloy na magtatanong, at maghahanap ng kasagutan, ang ALAM mo at magiging KAALAMAN sa buhay.”

P.S ANG GULO! Baw

Pambungad sa Pambungad

Pambungad sa Pambungad
Ni: Roque J Ferriols, S.J

Heto na ang karugtong. Ikalawang photocopy paper na naman mula sa aking propesor sa pilosopiya. Sa loob-loob ko na sana’y tulad ng ANG AKING KATAWAN ay ako’y matutunan rito, sabagay may tiwala naman ako sa aking propesor sapagkat siya ay isang tunay na guro (ayun oh! UNO na! biro lang).

“Pambungad sa pambungad” binasa ko ang pamagat kasabay ng malakas na pag-hikab. Sinumulan ko na ang aking pagbabasa, unang linya.. ikalawa… ikatlo… ika….a….pa….t……… BAGSAK! Peste naman oh! Tungkol ba ito sa mga makabayang baluktot na mamamayan na nabuhay, nabubuhay at mabubuhay na mamamayan ng PINAS! Aba’y ako’y maloloka na sa walang sawang pakikipagtalo ng mga puristang ito. Iyon ang tumatakbo sa aking isipan habang ako’y nagbabasa.

Pero kalimutan na natin ang mga puristang nagrarally sa harapan ng rebulto ng ating mga ninuno.(kung meron man) dahil nga bakit ba nagging purista ang mga purista? Bakit ba may purista? Sa totoo lang ngayon ko lang napagtanto. hindi ba ang mga purista’y naghahangad ng kabuuan; kung tagalong lang tagalong lang wag naglagyan pa ng iabng wika. Pero may napansin ako sa tinatwag nila sa kanilang sarili “PURISTA” kung pagmamasadan at pagaaraln mo ng mabuti hindi ba’t ito’y nanggaling sa salitang PURO o PURE sa salitang ingles? Paano nila masasabing puristang tagalong sila kung ang kinuha nilang salita eh hango din sa wikang alien. –ayon lamang po ito sa aking mag-aanalisa nawa’y ako ay tama. Sabagay opinion ko lamang naman ito walang maling opinion J
Sa totoo lang katulad ng isinusulat ko ngayon na nasa unang pahina hindi ba’t magulo? Katulad ng aking pagkakabasa magulo, nakaklito, hindi ko malaman kung anu ba ang nais ipahiwatig ng may akda.(hindi nga ba? O dahil sa tinatamad lang akong basahing muli ang kathaing ito? Nakakatamad dahil hindi ako interesado totoo yon,) pero habang binabasa ko pa ang Pambungad sa Pambungad, na isip ko “nanunuya ba ang may akda? Sa aking palagay ako’y kanyang pinaikot lamang upang malaman kung ako ba’y nagbabasa habang nagaanalisa. Sapagkat ang puno’t dulo ng walang kuwentang may kuwentang usapan naming ay tungkol lamang sa PILOSOPIYA, na hindi winiwika ang PAGPIPILOSOPIYA kung hindi ito ay ginagawa.

Lahat tayo ay marunong at sa araw-araw na ginagawa natin tayo ay nagpipilosopiya. Katulad ng iyong pagsasalita o pagwiwika ng iyong tanong, ditto nagsisismula ang pambungad natin sa pagpipilosopiya, at ito’y susundan na ng paghahanap ng nais mong malaman.

Wednesday, February 24, 2010

february 24, 2010

forever
the ambassadors

I may burn out like a candle and
I may pass away
I may fall just like a shooting star
My heart will stay
I'll be yours until forever,
Forever I'll be true to the promise
I have made from the day that
I found you
Forever your in my heart
Even if were apart

I say, forever I'll be yours
Forever I love you
I say, forever I'll be yours
Forever I'll be true
My love will never fade away
Even if I'll die and
I will love you until the end of time
Even without your smile

So hear me please I beg you
Don't walk away I need you
Just stay with me and be by my side
Take my hand and we'll work it out

Until, forever I'll be yours
Forever I love you
I say, forever I'll be yours
Forever I'll be true
My love will never fade away
Even if I'll die now
I love you until the end of time
Even without your smile

So hear me please
I beg you
To stay...

Saturday, February 20, 2010

Ang Aking Katawan: Ang Katawan ko: Ang Katawan ng Blogger na nagsulat nito

ITO po ay ang sagot ko sa aking repleksyon patungkol sa aking eksaminasyon sa Pilosopiya nawa'y makapulot kayo ng aral (kahit puro kalokohan ang aking nilagay BIRO LANG)


Hindi ako Makasarili hindi ako Etehista at hindi ko Rin sinasabing BANAL ako


Ang Aking Katawan
ni: Eduardo Jose F. Calasanz

Sino nga ba ako? Ano ba ako? Naitanong ko na rin ito sa aking sarili, hindi lamang isa o dalawang beses kundi makaisang daang beses ko na yata naririnig ng paulit-ulit ang tanong na ito na tumatakbo sa aking isipan sa tuwing ako’y naguguluhan.

Iyan rin ang tanong na bumungad sa aking harapan ng binabasa ko ang “Ang Aking Katawan”, nangiti ako at nasabik ng nakita ko ang tanong na ito at nasabi ko sa aking sarili, na mukhang magkakaroon na ng kasagutan ang tanong na matagal ko nang hinahanapan ng sagot.

Ang lalo pang nakapagbigay sigla sa akin upang ipagpatuloy ang pagbabasa nito ay sa kadahilanang, dahil ng araw ding iyon ay nabuksan ko ang topic ng Sino ba Ako o Ano ba ako sa aking mga kaibigan na napapagkamalan na akong lalong nasiraan ng bait dahil hindi nila ako maintindihan, o hindi nila makuha ang aking nais ipahiwatig at dahil na rin sa kailangan ko itong basahin sapagkat ito’y isang eksam (dahil sa totoo nakakatamad naman talaga magbasa nbasahin ang mga babasahin na may seryosong usapan at lalo na kung hindi interesado ang magbabasa pero gusto ko ang subject na ito, at nalalayo na ako okay, back to the topic.)

Nais kong ibigay ang aking pahayag sa mga ilang bahagi ng aking nabasa, dahil maging ako ay ito rin ang kadalasan kong isinasagot o ipinapaliwanag o binabanggit sa aking mga kaibigan sa tuwing tinatamaan ako ng sinasabi nilang topak ko;

1.) Ano ka ba? Tao, sapagkat may anyo, kilo at katawan ng tao. Sino ka ba? Si Juan Santos; matangkad, mestisuhin, mahaba ang buhok, maliit ang tainga, malaki ang tiyan dahil mahilig “mag-isa pa nga” ng serbesa. Nasaan ka? Narito ako, kung nasaan ang aking katawan, tingnan mo ako, tingnan mo ang aking katawan.

Para sa akin, Ito ay isang LITERAL na paliwanag sa kung ANO ka at sa KUNG sino ka. Ito ay ikaw sa iyong pisikal na aspeto bilang isang tao. Totoo at tama ang sinasaad ng saknong na ito. Halimbawa, sa telepono na lamang kapag may tumawag sa inyo at nag-ring, sa iyong pag-angat ng telepono hindi ba’t ang unang itatanong mo sa tumawag ay “Sino po sila?” (kahit isa lang ang kausap mo “sila” pa ang tawag mo) at kung medyo sosyal ay may paunang salita pa na pagbati katulad ng “Good evening” saka sasambitin ang tanong at ang isasagot naman sa tinanong mo ay ang kaniyang pangalan (kung anu man ang pangalan niya). Dahil sa literal na mundong ito Ang Ating katawan mismo ang nagpapakilala sa atin sa kapwa.

2.) “Ako’y tao rin sapagkat mayroon akong pang-unawa at pag-iisip ng tao. Kapag sinabi ko sa aking magulang, “Mahal ko kayo!” ang nagmamahal sa kanila ay hindi lamang ang “matangkad, mestisuhin na si Juan Santos” kong katawan, ngunit ang buo kong diwa’t kalooban.

May isang tama rin ang nabanggit ng may akda. Dahil tayo ay hindi lamang nakikilala sa LITERAL na pagpapakilala kung hindi ang lubos na pagkakakilala sa kung SINO ang Juan Santos na nagmamahal sa kanyang magulang, at ito ay maibibilang ko sa ilalim ng isip at ugali o karakter ng isang indibidwal. Hindi lamang ito tumatalakay sa mismong taglay na ugali (virtue) kung hindi pati na rin sa kilos o behavior nito. Halimbawa, sa bahay, ang bunso mong kapatid ay may ugali na “Pa” o paki-gawa, patulong, paabot, pahingi, at lahat na ng maisip na may “pa” sa unahan, at ito ay kinakikitaan ng pagiging dependent o magiging pala-asa ng bata na kinahahantungan ng pagiging spoiled.

Maraming pang aspeto ang nabanggit sa akdang ito, katulad ng “KATAWAN sa KALULUWA” o ang Ka-akuhan ng isang tao ay ang kanyang kaluluwa na kung saan ito ay ang diwa ng kanyang pagkatao. Muli may tama na naman ang paliwanag na ito. Ito naman ay aking maiuugnay sa “FREE WILL” ng isang tao, dahil sa mundo walang gitna palaging kanan at kaliwan, kung ang donat nga walang gitna ito pa kayang pagkatao ng isang indibidwal. Halimbawa, ikaw ay may nakitang isang milyong piso na nakakalat sa kahabaan ng heroes park ng B.S.U ano ang gagawin mo? Bukod sa pagpulot nito. Hindi ba’t ikaw ay magkakaroon ng dalawang desisyon? Ito ay ang pagtago o pag-angkin ng perang hindi sa iyo AT ang pag gawa ng paraan upang masauli ito. Mayroon kang dalawang pagpipilian pero hindi ka maaring gumitna sapagkat ikaw ay mahihirapan at lalong maguguluhan. Dito ko maipapaloob ang sinasabi ni Platon na “mayroong makalangit at makalupang kagawian na naglalaban sa diwa ng tao.”

Hindi ko na tatalakayin pa ang lahat ng ng mga kilalang pilosopo ng panahon, narito ang kabuuan ng aking repleksyon:

Ang lahat ng nabanggit ay tama at hindi ko rin naman sinasabi na lahat ng ito ay dapat sundin o gawin kung hindi ito ay naaayon lamang sa kanilang mga pagaaral at masasabi ko na ito ay kanilang mga naging karanasan sa buhay o nasaksihan habang sila ay nabubuhay. Dahil walang ibang makakasagot sa tanong na Sino ba ako? Ano ba ako? hindi sila Planton, Aristotle, Descartes, at kung sino-sinu pang mga dakilang pilosopo na nabuhay, nabubuhay at mabubuhay pa, kung hindi tayo, Tayo rin sa ating mga sarili ang makakapagsabi at ang tanging makakakilala at makakapag-uri sa kung SINO nga ba talaga tayo. Sa ngayon wala pa rin akong natatagpuan kung sino nga ba talaga ANG BLOGGER NA NAGSULAT NITO, at sa mga oras na ito ay hindi ko pa rin lubusang kilala ang aking sarili ngunit darating din ang araw na makikilala ko at matataggap ko kung sino at kung ano ako.

Remedy by Maaya Sakamoto

I want to pray to my future self – may I be unquestionably happy


This is a translated Japanese song entitled Remedy i hope you can relate, i hope this song would bring you hope and inspiration ^^

Title: Remedy
Album: Kazeyomi (wind reading)
Artist: Maaya Sakamoto




When I looked out from atop a hill, I felt a pang of longing like I was about to cry
Forgotten memories were glittering

It’s starting to change
It’s still scary, but I’m being watched over

I’ll carry forever and ever in my heart the non-fading wounds from before
So that the time when we face each other, touching and smiling properly, will someday come

When I tried shouting loudly, it kind of took a weight off my shoulders
Like clear water was soaking into me

Maybe I should stop feeling bad about what I can’t do over, already

Time will go on forever and ever, engulfing and flowing over everything
I’ll wave from here at the past that’s softly, softly going quietly far off

People I love, and favorite places – before I knew it, they’d increased this much
Continuing to protect every normal day
That is my dream now

I want to believe in myself more and more – there are lots of things I can do
Standing up and singing barefoot, like a flower swaying under the sun
Going barefoot

I want to believe in myself more and more, for you
Someday, like a flower

I want to pray to my future self – may I be unquestionably happy

Saturday, February 6, 2010

two 1/2 glass and a glass = last night

"Happy Birth day RYAN!"

as i enter his internet shop,i gave my birthday friend a kiss on his cheeks, "thank you, bakit ngayon ka lang?" he asked me.. and i respond " sorry wah late na kasi kami lumusong sa pool kaya mejo nalate ang dismissal namin. asan sila?" i asked. "andun sa likod puntahan mo na lang. "Oi rye magluluto ako ng dessert wah un na gift ko sayo hahah". and i headed to the backyard. "Ola!" i greeted with full of energy there i found my friends namely, jessie, cielo, and jhay with my ex.," i greeted them all except my ex, i kiss them in their cheeks, and as im going to enter the kitchen to prepare my dish my ex said "how 'bout me?" and .. i walk closer lower myself and kiss him on his cheeks. and the crowd started to get loud.

i prepare my ingredients and start cooking. i dont know why but,, things go back.. and with the feelings that i know that i already bury, i just keep on preparing the dish ignoring every memory..

"Oh, talagang seryoso ka na magluluto ka wah" ryan's sister said, " oo naman ate! ako pa ngpromise kasi ako kay rye saka ito na ung gift ko, kasi PROMISE IS A PROMISE," and i repeat my last four words out loud so he could hear it.

and i know he heard it for he response is this "Kilala nyo naman ang aking first love" and repeat it twice, i know that, it was me who he talks about, i feel so blush... my blood rush right at my cheeks.

i started cooking my dish, right after the first batch i started to plate it and gave to rye and sang him a happy birthday song, everybody's eating except me for im still cooking, then my ex speak up and said "oh kumain ka na kaya, and he shared with me his food, bhe spoon feed me with the dish that i prepare,i just bite and go back cooking. after a while as i finish my cooking he handed me his plate and said "here eat this," i smiled and a picture in my memory role up, he gave me the half the remaining three bites of his food in short a sort of his left over, i took the spoon and eat and said "baka luwa mo na toh wah and i giggled." he turned back to see me and says "hindi ah! papakainin ko ba sayo yan kung ganun kumain ka na" and he go outside,, i dont know what's with him and why he did those things to me, and i can feel that he do still cares to me.. A lot.

and it's about 8pm and i want to go home, but he insisted and said "o bakit ka uuwi na? me inuman pa tayo," he's asking me to drink with them even if he knew that i have an allergy with liquors or in any alcoholic drinks, but i said "Ok fine! inum tayo" cielo hold my hand and pull me closer to her, and said "hey sister, allergic ka diyan diba anu ka ba?" and i replied."sige lang tinganan natin kung anu gagawin ng sira ulong yan, pagbiglan na natin"

and i sat down.. gave the first glass to ryan and round.. my turn comes,,, the first half glass was given and i take it and drink up straight. i dont know but my place becomes dizzy and things starts to go upside down..the round continues and the 2nd turn has come.. another half glass straight! and worst.. is im started to become naughty, crazy, dizzy, and some kinda hot feeling, my body starts to burn and so with my allergy.

Rye, cielo, jhay and jess stops me.. and i said no i can manage but the fact is i cant. i stood up and said "uuwi na ako,i hug jhay, ang kiss him on his forehead, and as i hug jhay i feel my knees started to shake. jhay stood up and hold me , "ok ka lang ba" he asked me "oo naman ako pa! kaya pa!" i go to jessie hug him and kiss on his cheeks, and say goodbye and also to cielo, kiss her ang hug and she saw my arms turning red. and said "hoy sis, tama na tingnan mo balat mo" she showed it to jhay and jhay hold me as i walk,"

to my surprise i saw my ex waiting in the staircase,, he took my bag and said, "halika na, ihahatid na kita" but i said. "wag na kaya ko umuwi magisa!" and i turn to cielo and kiss her goodbye. i headed to the kithchen and say goodbye to rye's parents and sister. aries and ian escorted me at the gate, i hugged them and say goodbye. my ex's still looking at me and still i insisted that im just going by myself.he said "sa tingnin mo ba papayag ako umuwi ka ng magisa tas ganyan ka pa?" and i said bakit sino ba ang may kasalanan? diba ikaw?/ pinainom mo ko alam mo naman wala pa ngang 1 baso di ko na kaya" he didnt respond, and just stare at me.

Friday, February 5, 2010

ang AKING BALIW NA SUB-PROF

Kahapon habang kami ay namamahinga sa ilalim ng puno ng mangga na wala pang bunga, ito ay nakatanim sa isang lugar kung saan laganap ang salita ng diyos, upang linisin ang kapaligiran nito,dahil sa subject na community service daw? ay kami namamahinga ng may lumapit na isang babae.

Matandang babae, madumi ang damit, gusgusin, kulay berde ang palda, puti ay magitaas na may design na kulay lupa na mga linya (dumi at lupa sa kanyang damit) beach walk na step-in, at mga patay at nangingitim na kuko., may hawak na kutsilyo at flashlight.

umupo siya kasama sa amin,, at nagsimulang magkuwento ng kanyang BUHAY daw( dahil hindi ko alam kung totoo ba ang sasabihin nito sa amin o hindi)

"siya raw ay nakatira sa niyogan, may tatlong anak, pero malayo sa kanya ang dalawa ay may asawa na na nasa pampanga, at ang bunso ay nagaaral sa laguna,."pinatay ang aking asawa ng walang kasalanan, napagkamalang kaaway ng mayor kaya pinatay, siya ay nangangapa lamang ng alimango at alimasag sa putikan dahi iyon ang aming kabuhay ,, pero kami ay masagana at masaya."

"yakapin natin ang pagmamahal na ibinibigay sa atin ng ating mga mahal sa buhay, yakapin natin"

"hindi mo masasabi na ngayon ay masagan ka pa rin,, hindi ko akalaing mangyayari ang lahat ng ito sa akin"

at patuloy siya ng kukuwento at mejo natwa ako sa sinabi niyang "excuse me mga anak, if im disturbing you, i just want someone to talk to.,." langya! akalain mo un si lolang lagalag na pulubi "YATA" ENGLISH spekening! totoo pala un sabagay kung sa amerika nga sosyal ang pulubi they call they beggars sosyal sa pandinig noh?

ok back to the topic."TRUE or FALSE" sabi niya, at ginatungan ng aking kaklase at ang wika "Oi me quiz daw after nito" nagpatuloy ang matanda sa pagsasalita. "TRUE or FALSE , IT's True,, totoo at alam ng DIYOS ang lahat siya ang saksi sa naganap sa aking buhay"

Umpisa pa lamang alam ko na ang pakay ng matandang ito, na manglimos o humingi ng limos mula sa amin. pero hindi pala dahil kuwento siya ng kuwento hinihintay ko na maghingi siya ng lims pero hindi pa rin nagpatuloy sa pagkuwento..

tinanong siya ng aking kasamahan "Lola bakit may dala kayong flashlight?"tanong niya, "dahil kapag gabi sa tuwing naglalakad ako ilaw ko ito" sagot ng matanda.

sa loob loob ko,, oo nga naman common sense naman malamang lagalag to at sa gabi paano nga naman maglaakad ng maayos kung walang ilaw o tanglaw,, alangan namang gamitin itong kawawang flashlight sa umaga. at pinagpatuloy ko ang pagmamasid, sa matanda habang ang mga kaklase ko ay balibag ng balibag ng tanong sa pulibi,

"Inang bakit may dala kayong kutsilyo? tanong pa ulit ng kasamahan ko, sa tanong na iyon muli na namang umeksena ang aking isipan, at sinagot ng aking isipan ang tanong ng aking kamag-aral. "malamang proteksyon, obvious ba me kililing sa ulo yan lagas ang turniyo malamang pang self-sefense toh" wika ng aking isip na nagiisip.

"ito ba? kaso palagi ako pinagtatawanan at kinukutsa o binabastos ng mga tambay lalo na ng lasing" wika ni nanay, "sabi ni mayor saksakin ko na lamang daw bigla" ani niya,.at tama nga ang aking sagot,pangself-defense nga naman

"ay nako inang baka makulong kayo ikaw pa masakatan masama pumatay ng kapwa." wika ng useserang kamag-aral ko

at nagulat ako sa isinagot ng matanda " BAKIT HINID PA AKO LALABAN?? NGAYONG AKO'Y INAAPI AT NIYUYURAKAN ANG AKING PAGKATAO, TATAHIMIK PA BA AKO? KUNG ANG ASAWA KO NGA NA PINATAY NG WALANG KAHABGHABAG, AKO PA KAYANG NAGIISA NALANG? HINDI PA BA AKO LALABAN?"

hindi ko akalain na iyon ang sasambitin ng baliw na pulubi,, nakita ko sa kanya ang galit sa puso sa pagkamatay ng kanyang asawa at pagnanais na siya'y maging ligtas kahit na alam natin na mali ang paraan. at dahil dito kumibo na ako

"lola ilang taon na po ba kayo ngayon? "57" iyon ang tugon niya at nasabi ko sa aking katabi.."sariwang sariwa pa ang alala nito, totoo nga ang mga pinagsasabi nito pero, dahil sa trauma na lagasan ng isang turnilyo sa utak.

"kumain ka na po ba lola?" tanong ng aking kasamahan . at doon na kumibo ang lola sa kanyang pakay.." You know mga anak.." sabay banat pa ng ingles, " im not eating since yesterday" wow soyal ni lola at tinanong ko na tuloy kung teacher ba siya? pero ang sabi niya ay.. "ang aking aswa.." balik na naman kami from the top story.. napakalayo ng sagot at totoo at confirmed nasiraan nga ng bait, dahil sa nangyari sa buhay,.

ibinili namin ng tinapay at inumin.. at kanyang kinain,, hindi na namin kinausap upang hindi na sumakit ang aming ulo sa pakiking sa siarang plaka na paulit-ulit na tumatalon mula sa umpisa.

habang siya ay kumakain ..pinagmasdan ko siya,,nakasalpak ang aking headphones sa aking tainga na may max volume. nakita niya ako nakatingin sa kanya at nagsasalita.. kahit di ko nalalaman o naririnig ang kanya sinasabi alam ko na iyon muli ang kanyang kuwento tungkol sa asawa niyang pinatay.

at tinanong at natutunan ko sa Substitute TEACHER namin sa nstp (dahil ang NSTP prof ko ay nasa likod ng simbahan)

1,) gobyerno

kung nagpapagawa sana ang mga politiko ng mga bahay ampunan para sa mga katulad ng lolang ito. wala sanang magtatangaka sa kanyang buhay upang hindi siya gumanti ng dahas,"dapat, simulan natin sa sarili ang lahat ng pagbabago"

2,) pamilya

bakit nila pinabayaan? ang matandang ito wlaa bang humahanap sa kanya?.. ang suwerte pala natin dahil ngayon kasama natin sila wag i take for granted ang pagmamahal ng isang tao sa iyo.

3.) buhay

ang buhay ay totoong maikli lamang.. bilog ang mundo,, umiikot maging tayo,... walang permanente sa mundo kunghindi ang CHANGE.


ngayon may tanong ako..

Sino ba ang Baliw? Si Lola na wala sa katinuan pero alam ang aral sa buhay?
o tayong Sapat ang ISIPAN,, pero hindi ginagamit?