"buzz, buzz ,buzz" isang tunog mula sa laptop isang tawag mula sa amerika sa pamamagitan ng SKYPE.
"hello, there! how are you?" isang babae na may edad ang bumati sa amin. Tita ko pala.
hindi ko alam pero hindi naman kami ganong ka close pero andoon ako at nakikiusisa.
nauna, sila ang ibang mga kasamahan ko sa bahay, na kumausap sa kanya at dumating na ang aking turn. Kinausap ko siya sa wikang Filipino, tagalog to be exact, napansin ko na may pagka- slang na ang kanyang pananalita at parang bulol ang kanyang mga lettra.
hindi ko nalang pinansin.
"andito ang pinsan mo si Kuya Toy mo" ang sambit sa amin..
medyo kinabahan ako dahil hindi marunong si kuya magtagalog, pero nakaramdam naman ako ng excitment dahil kahit papano nagkita kami sa computer.
" hello everyone!how are you?" ang bati ni Kuya Toy,
"well we're fine here, how bout you" ang banat ko, katabi ko ang aking Ate Kuma pero hindi siya kumikibo hindi ko alam kung dahil ba sa Hiya o nahihiyang magsalita ng english o dahil wala lang?,
"hey, you're hair is very long, ..look do you like my hair style?" sabay himas at ayos ng kanyang buhok.
"hahaha what happend to your hair? emo huh!? hahaha" lahat sila tumawa maging ang kuya ko
" why you dont like it?" ayos dito ayos doon ng kanyang buhok.
sa aking palagay ay bagay na bagay ito sa aking kuya kasi iyon ang gusto kong hair style sa mga lalake lalo na kapag ito'y' nabagay sa kanila, "yeah,, i reaaly really like it! it's fine and it looks good to you" ang aking banat
at humaba pa ng humaba ang usapan naming magpinsan.
nagpaalam ako sandali at umupo sa balikbayan kong pinsan si Kuya Dudz.
"what is that? ganyan na ba mga palabas dito sa pilipinas?" nasa channel 5 kasi ang stasyon na napanood namin ung palabas na may dalawang magkaaway tas pag-aawayin (dahil ganun nga ang mangyayari kapag ngharap ang magkaaway)
"hindi ko alam kuya, well,, another stupid showw,,," ang sabi ko with a long shooowww pronounciation to emphasize the stupid showwww,
"ang arte ng english mo... stupid show... " ang banat sa akin na talaga namang ikinainis ko he's mimicking the things i've said.
kaya dahil sa talagang pagod na ako at antok hindi ko na pinatulan ang kuya ko alam kong joke iyo pero seryoso. pero aaminin ko medyo napikon ako sa ginawa niya.
Kaya ako'y pumanik at humiga, sa aking malambot na lumang kama.
"ang arte ng english mo..." inulit ko iyon at sinabi ko,,
at naitnanong ko ang mga ito:
1. Bakit siya maarte rin ang pagdeliver ng english nya dahil sa slang, at kung magtagalog slang din maarte. nakakatawa. (minsan ginaya namin ang salita niya sa tagalog nagalit)
2. Bakit kapag ang pilipino nangsalita ng english na may slang na katulad ng laking amerika sinasabihan na maarte ang english pero kapag ang pilipino na pumunta lang ng states ng ilang buwan para sa bakasyon at umuwi na dala ang SLANG ng amerika kapag ng english hindi sinasabihang ANG ARTE NAMAN NG ENGLISH mo.
3. Bakit sinasabi na MAARTE ang ENGLISH mo?gayong TAMANG pronounciation (pro-NUN-cia-tion) lang ang nagawa mo. kailan pa naging Mali ang Tama, malamang tama ang pronounciation mo pero kaya naggiging maarte ang labas nito ay dahil sa emosyon na ibinibigay mo sa pagbigkas nito, batay na rin sa kausap mo.
4. Higit sa lahat bakit kapag kilala o tanyag ang isang tayo hindi mo masabi na MAARTE siya magsalita kahit gustong gusto mo sabihin?
5. Bakit ba ang mga pilipino kapag nag salita ng English, maarte ang labas? dahil hindi natin ito llingguwahe, akala ng iba nagpapasikat kalang, INGGIT sila dahil di nila kaya magsalita ng wikang ingles.
Ng minsan naka encounter ako ng isang French national, na bumisita sa aming bahay, walang nakakausap sa kanya kundi ako. pero ang Ingles ko na Maarte napunta sa isang pormal at magalang na pananalita at pagdeliver ng ingles pero nasa tamang baybay.
pero sa tuwing kausap ko naman sa wikang ingles ang mga pinsan ko na halos kasing edad ko lamang ay sobrang iba ang aking pananalita ng ingles,
ang tanging masasabi ko lang ay,, Oo maarte ako magsalita ng ingles, pero TAMANG ARTE, sapagkat ang pananalita ay maituturing kong katulad ng isang drama sa teatro kailangang may tamang expression, pagbaybay sa bawat salita at tamang damdamin, at nababatay kung sino o ano ang iyong kausap, dahil isa ito sa nagsasalamin sa tunay na pagkatao ng iyong katauhan. TAMANG Arte lang.
Sunday, May 2, 2010
Tamang Arte - ni Palito
Posted in |
6:59 PM | by Kettle Ong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment