"Mga mahal kong estudyante anu ba akala ninyo? papasok na kayo sa kolehiyo kaya magpakatino na kayo"
- Mam Filipino Enero 2008
"OMG LATE NA TAYO GUYS!" ang wika ng isa sa aking mga kaklase. "Lagot na tayo kay Mam Sipag! Major pa naman natin 'toh!" dagdag pa niya. Ako naman ay kalmadong naglalakad sa koridor habang umiinom ng milo patingin-tingin pa sa bawat silid na aming nadaraanan. "Marjorie, hinay hinay lang baka madapa ka" sabay ngiti. "Halika na bilisan mo naman diyan sa paglalakad" sabay hila sa aking kaliwang kamay. Napailing na lamang ako sa aking kamag-aral at winika "Para san pa't di naman papasok si Mam Sipag" sabay tawa.
Nadatnan namin na nakaupo ang aming ibang kaklase sa tapat ng aming room , kumakain, nagdadal-dalan, at ang mga masisispag ay nagrereview. "Wala pa si Mam , buti nalang" wika ni Marj at naupo kami sa tabi ng aming kaklase.
"Ok guys! let's go na! 9:30 na! hindi na dadating si Mam Sipag 2hours lang naman tayo dito diba? so late na siya! gara first class pa naman natin siya di naman alas siete ang pasok natin..."
"Guys! anu ba gagawin natin? malapit na finals hindi naman pumapasok si Mam? napakadalang pumasok once in a blue moon lang yata kung pumasok"
Ilang beses rin kami pumapasok sa klase na Major 1234 na ito ngunit wala naman kami napapala. Sa buong semestre ay tatlo o apat na beses lamang namin siya na kita na nagturo . Isang linggo na lamang ang nalalabi bago mag final exam ng siya ay pumasok.
"ok Class pointers to review are all the cases about OBLIQUE TRIANGLES and open formula" -Mam Sipag
So kami naman todo review at todo gawa ng formula.
Final Exam Day.
"Pass the papers"
tug tug tug tug - ang tunog ng puso times 10 sa bilis at ng binukasan ang aming Test Paper kulang na lang ay lumuwa ang aming mga mata sa aming nakita "Logarithm" IT IS ALL ABOUT LOG!" hindi nalang kami kumibo at salamat sa taas dahl kahit papano ay may natatandaan kami sa aming Math ng 4th year hayskul kami.
grabe ang naranasan namin sa Mam Sipag na iyon mabuti nalang pasado.
-end of SUBJECT CODE I
...to be continued
next SUBJECT CODE: 2nd MAJOR 12345units lang naman
Sunday, November 29, 2009
Subject Code: MAJOR 123go
Posted in |
5:27 AM | by Kettle Ong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment