Alam namin sa kurso namin ay talagang madugo pagkat ito ay ang subject na pinaka kinaayawan ng maraming tao, bata, matanda, bakla, tomboy, may puti man sa buhok o wala, pede rin na blondie, maging mga taong walang ngipin, ang subject na MATHEMATICS.
Marinig pa lamang ito ay eto na ang namumutawi sa kani-kanilang bibig
1) Anu un?
2) May ganun bang subject?
3) May sinasabi ka ba?
at ang pinakahuli
4) WAAAHHH I HATE MATH! I HATE NUMBERS!
tila ba parang sakit ito na matindi pa sa ketong kung layuan ng mga mag-aaral. Pero kami ?, kami ang iilang mga matatapang ang loob upang harapin ang greatest fear ng mga estudyante. Kaya inaasahan na namin na talagang mahirap itong aming sinusuong.
"Pumasok ka na kaya! mamaya makita ka pa ni Mam Alamona" wika ng kasamahan ko na si Marjorie. Mam Alamona ang tawag namin sa prof ko na ito (actually ngayon ko lang naisip yan na iyan ang itatawag ko sa kanya )dahil sa tuwing nag le-lecture o ng di-discuss ang titser ko na ito ay..
(si Mam Alamona nakatyo sa harap ng puting pisara) "paki dikta nga sa akin ang equation". Kami namang mga masusunuring mag-aaral ay binanggit ang equation. "x squared plus ..... blah blah blah ". Si Mam Alamona naman ay "Ok class ganito lamang i solve ang equation na iyan" kasabay ng pagsabi nya ng mga katagang ito ay sabay naman ang talikod sa amin at NAGSOLVE SIYA MAGISA,, at pagharap "O alam mo na? Ganun lang ka dali o hala kayo naman"
"$@#%^!!" kulang nalang ay mamura namin lahat! akalain mo!? nagsagot magisa wala man lang step by step procedure na ginawa para malaman namin!.
Nang minsan ay pina sit-in ko ang aking ex boyfriend na si CoE 4B (section nya naun comp engrng ) ay natiyempohan na siya ay nag di-discuss at as usual ganun pa rin ang drama ng matandang DEAN , DEAN siya ng isang kolehiyo sa aming pinakamamahal na Unibersidad. Akalain mo! Hindi rin niya makuha kung saan nakuha ni MAM ALAMONA ang sagot.
Isinulat ni CoE4B ang equation na ginawa ng aming pinakamamahal na guro (yuck). Habang kaniyang sinusulat ang equation na nsa puting pirasa ay kami naman ay nakatanghod sa kaniyang sinusulat, nang biglang.. "AH! Kaya pala! kasi nag short-cut siya hindi niya pinakita lahat kalahati lang ng equation ang pinakita nya nag compute sa utak". Take not SHORTCUT!! kaming lahat ay nagulat dahil kaya pala namin hindi malaman kung saan nya kinuha ung mga pinagsususlat niya ay sa kadahilanan na sa utak siya nag compute at hindi ipinakita sa pisara ang mga iyon!.
ganoon na lang ang aming gulat at pag ka dismaya sa aming nalaman. at lalo pa ng bigayan ng cards.
marami sa amin ang naka kuha ng tres (3.0) at ang ilan naman ay INC (incomplete) sa madalas pumapasok at mg activities samantala ang mga hindi madalas pumasok ay nakakuha ng nasa linya ng dos (2.0. SAAN NIYA NAKUHA YON!, may isang tao na naglakas ng loob na magtanong...
"MAM bakit po ganito ang grade ko?" ang nagtanong na iyon ay ang kanyang checker ng papers. "..mataas naman po ang quizzes ko at seatworks, nakarecord po iyon," ang pagmamakaawa ng aking kaklase " Wala record eh di ko alam kung saan ko nailagay ung finals at records nyo nakalimutan ko"
napanganga nalang siya noon mga oras na iyon at takang taka.. " Akin na ang card mo.. " ibinigay ang card at kumuha ng ballpen si Mam Alamona at ang tres ay ginawang 2.0. Walastik kung pumikit ay mag magic pala. "WALA akong naitabing record.. wala... walang ...record.. wala tila ba umalingawngaw na tunog at pulit ..ulit..ulit na naririnig namin habang sinabi sa amin ng aming kaklase.
hindi ko makakalimutan ang Prof ko na iyon dahil kakaibang technique ng pagtuturo ang aming naranasan sa kanya at sobrang madami kami natutunan sa kanya . (meron nga ba?)
kaya lalo ko napgdesisyonan na lumipat na ng kurso na talagang gusto ko dahil nakakatakot na baka mamaya mamakita na anamn ako ng isang ULIRANG GURO katulad nya!
--to be continued SUBJECT CODE.. next subject SECRET muna
Friday, December 4, 2009
Subject code: MATHjor 12345UNITS
Posted in |
10:09 PM | by Kettle Ong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment