"Hindi lahat ng MATA ay nakakikita kadalasan ang mga ito pa ang mga nag BLOG-bulagan sa mga bagay na dapat na pansinin. Ito ay para sa inyo para sa akin sa ating lahat. Ang mga Kuwento ng Matang Gala,
RSS

Saturday, December 12, 2009

the irony of YES

Nagnapagpasyahan ko na lumipat ng ibang course at magtungo sa aking napupusuang kurso noon pa nang ako'y musmus pa lamang (actually doktor sana eh) pero palitan natin ang statement " noong ako'y nagkaisip" ay ang kursong TOURISM dahil nais kong mag travel at i-fulfill ang pangarap ng aking ama na makapgtrabaho sa eroplano ,, at siya ay ang isa sa naging sanhi kung bakit nais ko maging Flight Stewardess.

Kaya nang aking napagdesisyonan na iyon ang kuhanin kong kurso ay, agad kong inayos ang aking T.O.R o ang transcript of records para makapag transfer, pero sa di inaasahang pangyayare, ay nagbukas ang aming unibersidad ng kursong TOURISM kaya ako'y kumuha sa admission ng shifter's exam na worth 300Php.

maklalipas ang isa o dalawang linggo ako ay kumuha na ng exam , jusko naman yung mga tanong dun ay katulad lamang ng entrance exam ng ako'y pumasa sa BS MATH.


naghantay ako ng result at nalaman ko na ako'y bagsak!

hindi ko expected ito kaya ang ginawa ko ay kinausap ko ang dean ng college na may hawak sa TOURISM, at ang sabi niya ay,,, "HINDI pa kasi TUMATANGGAP NG SHIFTER ang Tourism," kung gusto mo mag HRM ka nalang.."


nawindang ako sa kanyang sinabi HINDI kami TUMATANGGAP ng SHIFTER! ... muli naglaro sa aking matalinong kaisipan ang tanong na ito "HINDI NAMAN PALA TUMATANGGAP NG SHIFTER bakit pinayagan ako ng ADMISSIOn na kumuha ng SHIFTER's exam para sa TOURISM napaka husay naman!.

at biglang bumalik sa katinuan ang aking utak, at sabi ko sige po mam iyon naman tutal 2nd choice ko naman.

Lumabas ako ng office pero mabigat ang nararamdaman dahil sa kanyang sinabi, IMBA! wala naman ako magagawa kahit mag rally ako o hunget strike o awayin ang dean wala namang mangyayre magsasayang lamang ako ng panahon, oras, energy at laway at masasayang din ang pag-iisip ng aking utak dahil hindi rin uubra ang aking sasabihin dahil nasa kanya ang kapangyarihan..

No comments: