"Hindi lahat ng MATA ay nakakikita kadalasan ang mga ito pa ang mga nag BLOG-bulagan sa mga bagay na dapat na pansinin. Ito ay para sa inyo para sa akin sa ating lahat. Ang mga Kuwento ng Matang Gala,
RSS

Saturday, December 12, 2009

Subject Code: LAB LAB LAB

Natapos na ang unang semstre ng unang taon ko bilang kolehiyo, at natanggap na ang kuwadradong carton na pinaglalagyan ng aming pinaghirapan. masaya na ako sa aking nakuhang grado,kahit ang isa doon ay hindi ko deserve ang grado kong tres (3.0)sa MAJOR12345 units pero ito ang talagang hindi ko matanggap!

ang subject na ito ay isa sa sangay ng agham na kung saan ay chemicals ang pinagaaralan at alam kong alam mo na ang tinutukoy kong subject. Dalawa ang aming class card dito isa para sa lecture at isa para sa laboratory, alam ko at aminado ako na mababa o sakto lang ang makukuha ko sa lecture dahil wala ako ginawa kundi matulog JOKE! i mean ay hindi ko masyado pinapansin mababa ang aking quizzes pero ang exam ay pasado naman . Pero wala naman sa lecture ang aking sinisintemyento kundi sa LAB, since ako ang group leader sa LAB, ako ang source ng mga sagot at halos ako na lahat kulang nalang koyahin ang aking pangalan. Muli hindi naman sa mayabang ako eh nageenjoy ako kapag nag LA-LABORATORY kami dahil masaya eh makikita mo na naglalagay ka ng muriatic acid sa beaker tas un pala nakatingin ka sa crush mo na hindi mo namalayan na sa ulo na pala ng katabi mo ang ginawa mong beaker JOKE lang ulit.

MAtataas ang aming LABORATORY exercises ehem! salamat sa akin.

DUmating na nga ang aking pinakhihintay ang grade ko sa subject na ito, naunang ibigay ang card ng mga ka grup ko at wow! ang grade nila sa lecture ay ok naman pero ang sa LAB ang matindi tumataginting na 1.75 (not bad) parepahero at nagpasalamat pa sakin.

eto na tinawag na ako , lumapit ako sa president namin at kinuha ang card

Lecture = 3.0 .. pero laking gulat ko ng bumulaga sa harapan ko ang grade ko sa LAB
Lab= 2.0.. !! natigilan ako at napamura! @#$&!$&!*%#%*^ ANO TOH!!! bakit dos! gara namana! nagreklamo ako sa mga ka grupo ko pero hindi sa prof ko dahil ang daming nakakuha ng INC sa amin hindi INGLESIA NI CRISTO ha kundi INcomplete! pero ok naman ang grade nila at alam ko un dahil may nasampolan sa amin si BRAINY (dahil matalino) ay nakakuha ng INC omg! talaga!

anu kayang teknik ang ginamit ng prof ko na ito o magic o hokus pokus na pangkompute ng aming grade..


hindi nalang ako umimik at doon ko na napagdesisyonan na wag na tumuliy ng engineering dahil baka mamaya may makita akong prof na me modus operadi at baka maisumbong ko na sa imbestigador.

No comments: