Minsan nang ako'y nautusan na bantayan ang aking pinsan (actually ganun naman palagi ang drama kapag may bata sa bahay ) dahil ako ng nakakaatanda. Nanunuod ako ng unang hirit ng mga oras na iyon ng siya'y pumasok sa aking kuwarto.Ngumiti siya sa akin at tumabi sa akin sa pagkakahiga. Ang sabi niya "Ate lipat mo sa cartoon network", ngunit sa kasamaang palad walang cable sa aking kuwarto. "wala bunso cable dito eh sa baba meron". tumigil siya saglit at tumayo ,lumapit sa t.v at pinindot ang talalipatan ng telebisyon. "Ui wag mo lipat!" pero huli na ang lahat dahil nalipat na niya ito sa ibang channel. Nilipat niya ito sa isang tv. network na kung saan ay nagpapalabas ng educational show for children.
"Ay Dora!" sumigaw ang pinsan ko nang makita niya ang palabas "Dora the Explorer" ang palabas isa itong american children show. Marahi ay pamilyar na kayo sa batang negra na ito na may kasa-kasamang unggoy at may bag-pack na kulay ube.
Wala akong nagawa kung hindi pag-igyan ang aking pansan, sapagkat bata it at ako ang nakatatanda. Bumalik sa pagkakahiga sa tabi ko ang aking pinsan at sabay kaming nanuod ng nasabing children show.
ang natapat na episode sa amin ng mahal kong pinsan ay may kaibigan itong robot na naligaw (ata) at nais makabalik sa kanyang Lolo. mayroong tatlong destinasyon sila na pupuntahan bago makarating sa bahay ng Robot.
ang una at kailangan nilang makatawid sa tulay, ikalawa sa bulkn at ang huli at ang bahay ng batang Robot.
natutuwa akong pinapanuod ang aking pinsan na ginagaya ang bawat gawin ng batang bida na si dora at sumasagot sa bawat tanong ng character.
natapos na sila sa unang destrinasyon at nagtungo na sa ikalawang destinasyon ang bulkan. siyempre sa bawat palabas hindi maaring mawalan ng kaaway ang bida, ito ay sa katauhan ng isang Fox na ang pangalan ay Swipper, na kinukuha ang mga gamit ng bida at itinatapon sa malayo upang hindi ito magamit o makita.
Lumapit ang Fox sa batang robot at kinuha ang gamit nito at ihinagis sa bunganga ng bulkan na nagging sanhi ng pagaalburuto nito. Natakot ang bidang bata at ang mga kasamahan nito at BOOM! sumabog ang bulkan.
Aamini ko medyo kinabahan ako para sa characters sa pinapanood ng aking pinsan dahil iniisip ko panu makakaalis ang mga batang ito eh LAVA ang haharapin nila. Pero lanking gulat ko ng sa pagsabog ng bulkan ay imbes na LAVA ang lumabas sa pagsabong ng bulkan ay LOBO oo as in BALLOON ang lumabas mula sa bunganga nito.
Natawa ako at ang pinsan ko naman ay hindi malaman kung matutuwa o hindi, ibinaling ang atensyon sa akin at sabi niya, "Ate bakit Lobo ung lumabas hindi LAVA?" sabi ko nalang mali ung gumawa ng DORA hindi sila marunong. pero sa loob loob ko hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa pinsan ko kung bakit lumabas ang LOBO sa Bulkan na ang pagkakaalam niya ay LAVA ang lumalabas dito.
"Bunso, hindi lobo ang lumalabas kapag sumabog ang bulkan kung hindi LAVA tandaan mo yan ha." ang pangaral ko sa kanya "Opo ate" at nanuuod muli kami ng nasabing palabas,,
pagkatapos naming manood sabi ko sa aking sarili, tama pala na dapat kapag manunuod ang bata ay dapat may kasamang nakatatanda kahit na CHILDREN SHOW PA ang palabas dahil biruin mo alam ko at alam mo na hindi dapat brutal ang mapapanood nila . dahil alam natin na kapag sumabog ang bulkan may mamatay talaga pero hindi dapat pinalitan g LOBO ang LAVA dahil napakalayo sa katotohanan nito..
paano nalang kung ang batang nakapanuod ng scene na iyon ay tumatak sa isipan nila? at biglang naisipang mamasayal ng pamilya nila at nagpunta sa bundok hindi ba't ituturo ng bata ang bulkan o bundok na makikita nila sa dinaraanan nila kung probinsya man ang pupuntahan nila at sasabihin na
"Mama bundok, Lobo sabog" hndi ba?
parang ginagawa pang mang-mang ang bata.
Hindi ba dapat ang Children SHow o educational show ay ang third teacher ng mga bata na nagtuturo ng kaalaman sa mundo? hindi ba't nakakalungkot na sa simpleng scene lang ng pagsabong ng bulkan na lobo ang lumabas nagulo na ang isipan ng aking pinsan na BATA kung anu ba talaga ang lumalabas kapag sumabog ang bulkan,
Friday, December 25, 2009
Educational Show: RATED PG
Posted in |
10:52 PM | by Kettle Ong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment