Kahapon habang kami ay namamahinga sa ilalim ng puno ng mangga na wala pang bunga, ito ay nakatanim sa isang lugar kung saan laganap ang salita ng diyos, upang linisin ang kapaligiran nito,dahil sa subject na community service daw? ay kami namamahinga ng may lumapit na isang babae.
Matandang babae, madumi ang damit, gusgusin, kulay berde ang palda, puti ay magitaas na may design na kulay lupa na mga linya (dumi at lupa sa kanyang damit) beach walk na step-in, at mga patay at nangingitim na kuko., may hawak na kutsilyo at flashlight.
umupo siya kasama sa amin,, at nagsimulang magkuwento ng kanyang BUHAY daw( dahil hindi ko alam kung totoo ba ang sasabihin nito sa amin o hindi)
"siya raw ay nakatira sa niyogan, may tatlong anak, pero malayo sa kanya ang dalawa ay may asawa na na nasa pampanga, at ang bunso ay nagaaral sa laguna,."pinatay ang aking asawa ng walang kasalanan, napagkamalang kaaway ng mayor kaya pinatay, siya ay nangangapa lamang ng alimango at alimasag sa putikan dahi iyon ang aming kabuhay ,, pero kami ay masagana at masaya."
"yakapin natin ang pagmamahal na ibinibigay sa atin ng ating mga mahal sa buhay, yakapin natin"
"hindi mo masasabi na ngayon ay masagan ka pa rin,, hindi ko akalaing mangyayari ang lahat ng ito sa akin"
at patuloy siya ng kukuwento at mejo natwa ako sa sinabi niyang "excuse me mga anak, if im disturbing you, i just want someone to talk to.,." langya! akalain mo un si lolang lagalag na pulubi "YATA" ENGLISH spekening! totoo pala un sabagay kung sa amerika nga sosyal ang pulubi they call they beggars sosyal sa pandinig noh?
ok back to the topic."TRUE or FALSE" sabi niya, at ginatungan ng aking kaklase at ang wika "Oi me quiz daw after nito" nagpatuloy ang matanda sa pagsasalita. "TRUE or FALSE , IT's True,, totoo at alam ng DIYOS ang lahat siya ang saksi sa naganap sa aking buhay"
Umpisa pa lamang alam ko na ang pakay ng matandang ito, na manglimos o humingi ng limos mula sa amin. pero hindi pala dahil kuwento siya ng kuwento hinihintay ko na maghingi siya ng lims pero hindi pa rin nagpatuloy sa pagkuwento..
tinanong siya ng aking kasamahan "Lola bakit may dala kayong flashlight?"tanong niya, "dahil kapag gabi sa tuwing naglalakad ako ilaw ko ito" sagot ng matanda.
sa loob loob ko,, oo nga naman common sense naman malamang lagalag to at sa gabi paano nga naman maglaakad ng maayos kung walang ilaw o tanglaw,, alangan namang gamitin itong kawawang flashlight sa umaga. at pinagpatuloy ko ang pagmamasid, sa matanda habang ang mga kaklase ko ay balibag ng balibag ng tanong sa pulibi,
"Inang bakit may dala kayong kutsilyo? tanong pa ulit ng kasamahan ko, sa tanong na iyon muli na namang umeksena ang aking isipan, at sinagot ng aking isipan ang tanong ng aking kamag-aral. "malamang proteksyon, obvious ba me kililing sa ulo yan lagas ang turniyo malamang pang self-sefense toh" wika ng aking isip na nagiisip.
"ito ba? kaso palagi ako pinagtatawanan at kinukutsa o binabastos ng mga tambay lalo na ng lasing" wika ni nanay, "sabi ni mayor saksakin ko na lamang daw bigla" ani niya,.at tama nga ang aking sagot,pangself-defense nga naman
"ay nako inang baka makulong kayo ikaw pa masakatan masama pumatay ng kapwa." wika ng useserang kamag-aral ko
at nagulat ako sa isinagot ng matanda " BAKIT HINID PA AKO LALABAN?? NGAYONG AKO'Y INAAPI AT NIYUYURAKAN ANG AKING PAGKATAO, TATAHIMIK PA BA AKO? KUNG ANG ASAWA KO NGA NA PINATAY NG WALANG KAHABGHABAG, AKO PA KAYANG NAGIISA NALANG? HINDI PA BA AKO LALABAN?"
hindi ko akalain na iyon ang sasambitin ng baliw na pulubi,, nakita ko sa kanya ang galit sa puso sa pagkamatay ng kanyang asawa at pagnanais na siya'y maging ligtas kahit na alam natin na mali ang paraan. at dahil dito kumibo na ako
"lola ilang taon na po ba kayo ngayon? "57" iyon ang tugon niya at nasabi ko sa aking katabi.."sariwang sariwa pa ang alala nito, totoo nga ang mga pinagsasabi nito pero, dahil sa trauma na lagasan ng isang turnilyo sa utak.
"kumain ka na po ba lola?" tanong ng aking kasamahan . at doon na kumibo ang lola sa kanyang pakay.." You know mga anak.." sabay banat pa ng ingles, " im not eating since yesterday" wow soyal ni lola at tinanong ko na tuloy kung teacher ba siya? pero ang sabi niya ay.. "ang aking aswa.." balik na naman kami from the top story.. napakalayo ng sagot at totoo at confirmed nasiraan nga ng bait, dahil sa nangyari sa buhay,.
ibinili namin ng tinapay at inumin.. at kanyang kinain,, hindi na namin kinausap upang hindi na sumakit ang aming ulo sa pakiking sa siarang plaka na paulit-ulit na tumatalon mula sa umpisa.
habang siya ay kumakain ..pinagmasdan ko siya,,nakasalpak ang aking headphones sa aking tainga na may max volume. nakita niya ako nakatingin sa kanya at nagsasalita.. kahit di ko nalalaman o naririnig ang kanya sinasabi alam ko na iyon muli ang kanyang kuwento tungkol sa asawa niyang pinatay.
at tinanong at natutunan ko sa Substitute TEACHER namin sa nstp (dahil ang NSTP prof ko ay nasa likod ng simbahan)
1,) gobyerno
kung nagpapagawa sana ang mga politiko ng mga bahay ampunan para sa mga katulad ng lolang ito. wala sanang magtatangaka sa kanyang buhay upang hindi siya gumanti ng dahas,"dapat, simulan natin sa sarili ang lahat ng pagbabago"
2,) pamilya
bakit nila pinabayaan? ang matandang ito wlaa bang humahanap sa kanya?.. ang suwerte pala natin dahil ngayon kasama natin sila wag i take for granted ang pagmamahal ng isang tao sa iyo.
3.) buhay
ang buhay ay totoong maikli lamang.. bilog ang mundo,, umiikot maging tayo,... walang permanente sa mundo kunghindi ang CHANGE.
ngayon may tanong ako..
Sino ba ang Baliw? Si Lola na wala sa katinuan pero alam ang aral sa buhay?
o tayong Sapat ang ISIPAN,, pero hindi ginagamit?
Friday, February 5, 2010
ang AKING BALIW NA SUB-PROF
Posted in |
5:49 PM | by Kettle Ong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment