"Hindi lahat ng MATA ay nakakikita kadalasan ang mga ito pa ang mga nag BLOG-bulagan sa mga bagay na dapat na pansinin. Ito ay para sa inyo para sa akin sa ating lahat. Ang mga Kuwento ng Matang Gala,
RSS

Friday, December 25, 2009

Educational Show: RATED PG

Minsan nang ako'y nautusan na bantayan ang aking pinsan (actually ganun naman palagi ang drama kapag may bata sa bahay ) dahil ako ng nakakaatanda. Nanunuod ako ng unang hirit ng mga oras na iyon ng siya'y pumasok sa aking kuwarto.Ngumiti siya sa akin at tumabi sa akin sa pagkakahiga. Ang sabi niya "Ate lipat mo sa cartoon network", ngunit sa kasamaang palad walang cable sa aking kuwarto. "wala bunso cable dito eh sa baba meron". tumigil siya saglit at tumayo ,lumapit sa t.v at pinindot ang talalipatan ng telebisyon. "Ui wag mo lipat!" pero huli na ang lahat dahil nalipat na niya ito sa ibang channel. Nilipat niya ito sa isang tv. network na kung saan ay nagpapalabas ng educational show for children.


"Ay Dora!" sumigaw ang pinsan ko nang makita niya ang palabas "Dora the Explorer" ang palabas isa itong american children show. Marahi ay pamilyar na kayo sa batang negra na ito na may kasa-kasamang unggoy at may bag-pack na kulay ube.


Wala akong nagawa kung hindi pag-igyan ang aking pansan, sapagkat bata it at ako ang nakatatanda. Bumalik sa pagkakahiga sa tabi ko ang aking pinsan at sabay kaming nanuod ng nasabing children show.

ang natapat na episode sa amin ng mahal kong pinsan ay may kaibigan itong robot na naligaw (ata) at nais makabalik sa kanyang Lolo. mayroong tatlong destinasyon sila na pupuntahan bago makarating sa bahay ng Robot.

ang una at kailangan nilang makatawid sa tulay, ikalawa sa bulkn at ang huli at ang bahay ng batang Robot.

natutuwa akong pinapanuod ang aking pinsan na ginagaya ang bawat gawin ng batang bida na si dora at sumasagot sa bawat tanong ng character.

natapos na sila sa unang destrinasyon at nagtungo na sa ikalawang destinasyon ang bulkan. siyempre sa bawat palabas hindi maaring mawalan ng kaaway ang bida, ito ay sa katauhan ng isang Fox na ang pangalan ay Swipper, na kinukuha ang mga gamit ng bida at itinatapon sa malayo upang hindi ito magamit o makita.

Lumapit ang Fox sa batang robot at kinuha ang gamit nito at ihinagis sa bunganga ng bulkan na nagging sanhi ng pagaalburuto nito. Natakot ang bidang bata at ang mga kasamahan nito at BOOM! sumabog ang bulkan.

Aamini ko medyo kinabahan ako para sa characters sa pinapanood ng aking pinsan dahil iniisip ko panu makakaalis ang mga batang ito eh LAVA ang haharapin nila. Pero lanking gulat ko ng sa pagsabog ng bulkan ay imbes na LAVA ang lumabas sa pagsabong ng bulkan ay LOBO oo as in BALLOON ang lumabas mula sa bunganga nito.

Natawa ako at ang pinsan ko naman ay hindi malaman kung matutuwa o hindi, ibinaling ang atensyon sa akin at sabi niya, "Ate bakit Lobo ung lumabas hindi LAVA?" sabi ko nalang mali ung gumawa ng DORA hindi sila marunong. pero sa loob loob ko hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa pinsan ko kung bakit lumabas ang LOBO sa Bulkan na ang pagkakaalam niya ay LAVA ang lumalabas dito.

"Bunso, hindi lobo ang lumalabas kapag sumabog ang bulkan kung hindi LAVA tandaan mo yan ha." ang pangaral ko sa kanya "Opo ate" at nanuuod muli kami ng nasabing palabas,,


pagkatapos naming manood sabi ko sa aking sarili, tama pala na dapat kapag manunuod ang bata ay dapat may kasamang nakatatanda kahit na CHILDREN SHOW PA ang palabas dahil biruin mo alam ko at alam mo na hindi dapat brutal ang mapapanood nila . dahil alam natin na kapag sumabog ang bulkan may mamatay talaga pero hindi dapat pinalitan g LOBO ang LAVA dahil napakalayo sa katotohanan nito..

paano nalang kung ang batang nakapanuod ng scene na iyon ay tumatak sa isipan nila? at biglang naisipang mamasayal ng pamilya nila at nagpunta sa bundok hindi ba't ituturo ng bata ang bulkan o bundok na makikita nila sa dinaraanan nila kung probinsya man ang pupuntahan nila at sasabihin na

"Mama bundok, Lobo sabog" hndi ba?

parang ginagawa pang mang-mang ang bata.


Hindi ba dapat ang Children SHow o educational show ay ang third teacher ng mga bata na nagtuturo ng kaalaman sa mundo? hindi ba't nakakalungkot na sa simpleng scene lang ng pagsabong ng bulkan na lobo ang lumabas nagulo na ang isipan ng aking pinsan na BATA kung anu ba talaga ang lumalabas kapag sumabog ang bulkan,

Saturday, December 12, 2009

the irony of YES

Nagnapagpasyahan ko na lumipat ng ibang course at magtungo sa aking napupusuang kurso noon pa nang ako'y musmus pa lamang (actually doktor sana eh) pero palitan natin ang statement " noong ako'y nagkaisip" ay ang kursong TOURISM dahil nais kong mag travel at i-fulfill ang pangarap ng aking ama na makapgtrabaho sa eroplano ,, at siya ay ang isa sa naging sanhi kung bakit nais ko maging Flight Stewardess.

Kaya nang aking napagdesisyonan na iyon ang kuhanin kong kurso ay, agad kong inayos ang aking T.O.R o ang transcript of records para makapag transfer, pero sa di inaasahang pangyayare, ay nagbukas ang aming unibersidad ng kursong TOURISM kaya ako'y kumuha sa admission ng shifter's exam na worth 300Php.

maklalipas ang isa o dalawang linggo ako ay kumuha na ng exam , jusko naman yung mga tanong dun ay katulad lamang ng entrance exam ng ako'y pumasa sa BS MATH.


naghantay ako ng result at nalaman ko na ako'y bagsak!

hindi ko expected ito kaya ang ginawa ko ay kinausap ko ang dean ng college na may hawak sa TOURISM, at ang sabi niya ay,,, "HINDI pa kasi TUMATANGGAP NG SHIFTER ang Tourism," kung gusto mo mag HRM ka nalang.."


nawindang ako sa kanyang sinabi HINDI kami TUMATANGGAP ng SHIFTER! ... muli naglaro sa aking matalinong kaisipan ang tanong na ito "HINDI NAMAN PALA TUMATANGGAP NG SHIFTER bakit pinayagan ako ng ADMISSIOn na kumuha ng SHIFTER's exam para sa TOURISM napaka husay naman!.

at biglang bumalik sa katinuan ang aking utak, at sabi ko sige po mam iyon naman tutal 2nd choice ko naman.

Lumabas ako ng office pero mabigat ang nararamdaman dahil sa kanyang sinabi, IMBA! wala naman ako magagawa kahit mag rally ako o hunget strike o awayin ang dean wala namang mangyayre magsasayang lamang ako ng panahon, oras, energy at laway at masasayang din ang pag-iisip ng aking utak dahil hindi rin uubra ang aking sasabihin dahil nasa kanya ang kapangyarihan..

Subject Code: LAB LAB LAB

Natapos na ang unang semstre ng unang taon ko bilang kolehiyo, at natanggap na ang kuwadradong carton na pinaglalagyan ng aming pinaghirapan. masaya na ako sa aking nakuhang grado,kahit ang isa doon ay hindi ko deserve ang grado kong tres (3.0)sa MAJOR12345 units pero ito ang talagang hindi ko matanggap!

ang subject na ito ay isa sa sangay ng agham na kung saan ay chemicals ang pinagaaralan at alam kong alam mo na ang tinutukoy kong subject. Dalawa ang aming class card dito isa para sa lecture at isa para sa laboratory, alam ko at aminado ako na mababa o sakto lang ang makukuha ko sa lecture dahil wala ako ginawa kundi matulog JOKE! i mean ay hindi ko masyado pinapansin mababa ang aking quizzes pero ang exam ay pasado naman . Pero wala naman sa lecture ang aking sinisintemyento kundi sa LAB, since ako ang group leader sa LAB, ako ang source ng mga sagot at halos ako na lahat kulang nalang koyahin ang aking pangalan. Muli hindi naman sa mayabang ako eh nageenjoy ako kapag nag LA-LABORATORY kami dahil masaya eh makikita mo na naglalagay ka ng muriatic acid sa beaker tas un pala nakatingin ka sa crush mo na hindi mo namalayan na sa ulo na pala ng katabi mo ang ginawa mong beaker JOKE lang ulit.

MAtataas ang aming LABORATORY exercises ehem! salamat sa akin.

DUmating na nga ang aking pinakhihintay ang grade ko sa subject na ito, naunang ibigay ang card ng mga ka grup ko at wow! ang grade nila sa lecture ay ok naman pero ang sa LAB ang matindi tumataginting na 1.75 (not bad) parepahero at nagpasalamat pa sakin.

eto na tinawag na ako , lumapit ako sa president namin at kinuha ang card

Lecture = 3.0 .. pero laking gulat ko ng bumulaga sa harapan ko ang grade ko sa LAB
Lab= 2.0.. !! natigilan ako at napamura! @#$&!$&!*%#%*^ ANO TOH!!! bakit dos! gara namana! nagreklamo ako sa mga ka grupo ko pero hindi sa prof ko dahil ang daming nakakuha ng INC sa amin hindi INGLESIA NI CRISTO ha kundi INcomplete! pero ok naman ang grade nila at alam ko un dahil may nasampolan sa amin si BRAINY (dahil matalino) ay nakakuha ng INC omg! talaga!

anu kayang teknik ang ginamit ng prof ko na ito o magic o hokus pokus na pangkompute ng aming grade..


hindi nalang ako umimik at doon ko na napagdesisyonan na wag na tumuliy ng engineering dahil baka mamaya may makita akong prof na me modus operadi at baka maisumbong ko na sa imbestigador.

Subject Code : MATH sa LANGUAGE 113 ML113

Malapit na ang Week ng kolehiyong aming kinabibilangan ang Kolehiyo ng siyensya kung saan nakapailalim dito ang lahat ng may kinalaman sa agham, kasama ang matematika. Lahat kami ay excited na sa darating na week of course! bakit nga ba hindi magagalak at kulang nalang ay mag tumbling ang lahat ng estudyante kapag week nila sapagakat walang klase. pero may isa akong prof na masasabi nating nakadagdag ng pressure sa akin ng week namin... (kahit medyo walang konek ito)

Lenguwahe111:

"Good afternoon class" ang bati ni Ms. F o Ms Fashionista sa sobrang kakikayan ng prof na ito wala naman kami galit o katarantaduhang ginagawa sa kanya actually wala naman kami maipipintas sa kanya iyon nga lang may pagka masungit at mataray sabagay may itchura naman kasi itong prof namin na ito kahit me asawa na. "I have a good news for all of you!" and dugtong niya. So kami namang mga walang muwang sa nagaganap ay nagkaingay. "We're going to have a FIELD TRIP a week before your college week..." nang sinabi niya ito sa klase ay may mga grupong nagalak at may iba naman ay tumahimik.

"Class! please lend me your hears first, We're going to have an educational trip next week .." at may umepal na kaklase ko at nagtanong "Saan po Mam?" .."ok class pupunta tayo sa National Museum,Nayong Pipilipino, Intramusros (kung meron nga nakalimutan ko na kasi pero ang mga sumusunod ang di ko makakalimutang destinasyon) SM MALL OF ASIA and Enchanted KINGDOM!"

naisip ko na huwag na sumama pero bago ako magtanong naunahan ako ng aking cheatmete i mean seatmate pala "Mam puwede po bang hindi sumama?" tanong niya..

"Ok class I'am not FORCING YOU to join the Field trip BUT for those who will join has automatically have a grade of 90 in your project for this will serve as your project plus! additional 25points on your final exam, AND for THOSE WHO WILL NOT JOIN WILL GOING TO HAVE A SPECIAL PROJECT. OK class is that CLEAR? AGAIN IM NOT FORCING YOU TO JOIN THE TRIP."


napailing ako at natawa na sa kasayahan ay gusto kong tumalon mula sa kinauupuan ko papuntang corridor at isigaw na ang kulay ng aking ngipin ay kulay dilaw!

ayos ah OK LANG NA HINDI SUMAMA,, hindi nga compulsory REQUIRED LANG, kaya wheteher they like it or not lalo na ung mga nanganagnib na bumagsak ay sasama maging ang aking kakalse na alam nating walang kaya ay napilitang sumama, pero ako hindi ako sumama dahil hindi naman sa pagmamayabang ay napuntahan ko na lahat ng ito at dahil gusto ko pumasa na hindi kailangan ng PLUS!WHAT A WASTE OF MONEY,deep inside alam ko gusto ko sumama pero nangibabaw pa rin ang pera dahil SAYANG ang pera dahil nonsense naman ang pupuntahan kung ang trip ba naman ay ung pupunta kayo sa isang lugar na malayo sa sibilisasyon ok pa dahil doon may mga malalaman kami sa iba't ibang culture at tradition ng iba nating kapwa tao pero hindi eh pati ba naman sa MOA? at sa EK anu ba educational doon? matututo ka sa music? DAHIL PAG HIT MO NG HIGH NOTES at take note gamit mo pa ang Falsetto mo sa pagsigaw kapag nakasakay ka sa space shuttle, anchors away at kung anu anu pa.

grabe talaga ang nalaman ko na iyon, akala ko joke lang ung mga nababasa ko sa pacesetter ng highschool palang ako Totoo pala na may mga mahilig mangonsensya.

grabe pala noh talagang ang math magagamit mo kahit saan lalo na sa PLUS sa grade pati pala ang subject na lenguwahe ay may math nun ko lang nalaman iyon at ngayon napatunayan ko na TAO na ako dahil alam ko na iyon.

Friday, December 4, 2009

Subject code: MATHjor 12345UNITS

Alam namin sa kurso namin ay talagang madugo pagkat ito ay ang subject na pinaka kinaayawan ng maraming tao, bata, matanda, bakla, tomboy, may puti man sa buhok o wala, pede rin na blondie, maging mga taong walang ngipin, ang subject na MATHEMATICS.

Marinig pa lamang ito ay eto na ang namumutawi sa kani-kanilang bibig

1) Anu un?
2) May ganun bang subject?
3) May sinasabi ka ba?

at ang pinakahuli

4) WAAAHHH I HATE MATH! I HATE NUMBERS!

tila ba parang sakit ito na matindi pa sa ketong kung layuan ng mga mag-aaral. Pero kami ?, kami ang iilang mga matatapang ang loob upang harapin ang greatest fear ng mga estudyante. Kaya inaasahan na namin na talagang mahirap itong aming sinusuong.

"Pumasok ka na kaya! mamaya makita ka pa ni Mam Alamona" wika ng kasamahan ko na si Marjorie. Mam Alamona ang tawag namin sa prof ko na ito (actually ngayon ko lang naisip yan na iyan ang itatawag ko sa kanya )dahil sa tuwing nag le-lecture o ng di-discuss ang titser ko na ito ay..

(si Mam Alamona nakatyo sa harap ng puting pisara) "paki dikta nga sa akin ang equation". Kami namang mga masusunuring mag-aaral ay binanggit ang equation. "x squared plus ..... blah blah blah ". Si Mam Alamona naman ay "Ok class ganito lamang i solve ang equation na iyan" kasabay ng pagsabi nya ng mga katagang ito ay sabay naman ang talikod sa amin at NAGSOLVE SIYA MAGISA,, at pagharap "O alam mo na? Ganun lang ka dali o hala kayo naman"

"$@#%^!!" kulang nalang ay mamura namin lahat! akalain mo!? nagsagot magisa wala man lang step by step procedure na ginawa para malaman namin!.

Nang minsan ay pina sit-in ko ang aking ex boyfriend na si CoE 4B (section nya naun comp engrng ) ay natiyempohan na siya ay nag di-discuss at as usual ganun pa rin ang drama ng matandang DEAN , DEAN siya ng isang kolehiyo sa aming pinakamamahal na Unibersidad. Akalain mo! Hindi rin niya makuha kung saan nakuha ni MAM ALAMONA ang sagot.

Isinulat ni CoE4B ang equation na ginawa ng aming pinakamamahal na guro (yuck). Habang kaniyang sinusulat ang equation na nsa puting pirasa ay kami naman ay nakatanghod sa kaniyang sinusulat, nang biglang.. "AH! Kaya pala! kasi nag short-cut siya hindi niya pinakita lahat kalahati lang ng equation ang pinakita nya nag compute sa utak". Take not SHORTCUT!! kaming lahat ay nagulat dahil kaya pala namin hindi malaman kung saan nya kinuha ung mga pinagsususlat niya ay sa kadahilanan na sa utak siya nag compute at hindi ipinakita sa pisara ang mga iyon!.


ganoon na lang ang aming gulat at pag ka dismaya sa aming nalaman. at lalo pa ng bigayan ng cards.

marami sa amin ang naka kuha ng tres (3.0) at ang ilan naman ay INC (incomplete) sa madalas pumapasok at mg activities samantala ang mga hindi madalas pumasok ay nakakuha ng nasa linya ng dos (2.0. SAAN NIYA NAKUHA YON!, may isang tao na naglakas ng loob na magtanong...

"MAM bakit po ganito ang grade ko?" ang nagtanong na iyon ay ang kanyang checker ng papers. "..mataas naman po ang quizzes ko at seatworks, nakarecord po iyon," ang pagmamakaawa ng aking kaklase " Wala record eh di ko alam kung saan ko nailagay ung finals at records nyo nakalimutan ko"

napanganga nalang siya noon mga oras na iyon at takang taka.. " Akin na ang card mo.. " ibinigay ang card at kumuha ng ballpen si Mam Alamona at ang tres ay ginawang 2.0. Walastik kung pumikit ay mag magic pala. "WALA akong naitabing record.. wala... walang ...record.. wala tila ba umalingawngaw na tunog at pulit ..ulit..ulit na naririnig namin habang sinabi sa amin ng aming kaklase.

hindi ko makakalimutan ang Prof ko na iyon dahil kakaibang technique ng pagtuturo ang aming naranasan sa kanya at sobrang madami kami natutunan sa kanya . (meron nga ba?)

kaya lalo ko napgdesisyonan na lumipat na ng kurso na talagang gusto ko dahil nakakatakot na baka mamaya mamakita na anamn ako ng isang ULIRANG GURO katulad nya!


--to be continued SUBJECT CODE.. next subject SECRET muna

Sunday, November 29, 2009

Subject Code: MAJOR 123go

"Mga mahal kong estudyante anu ba akala ninyo? papasok na kayo sa kolehiyo kaya magpakatino na kayo"

- Mam Filipino Enero 2008

"OMG LATE NA TAYO GUYS!" ang wika ng isa sa aking mga kaklase. "Lagot na tayo kay Mam Sipag! Major pa naman natin 'toh!" dagdag pa niya. Ako naman ay kalmadong naglalakad sa koridor habang umiinom ng milo patingin-tingin pa sa bawat silid na aming nadaraanan. "Marjorie, hinay hinay lang baka madapa ka" sabay ngiti. "Halika na bilisan mo naman diyan sa paglalakad" sabay hila sa aking kaliwang kamay. Napailing na lamang ako sa aking kamag-aral at winika "Para san pa't di naman papasok si Mam Sipag" sabay tawa.

Nadatnan namin na nakaupo ang aming ibang kaklase sa tapat ng aming room , kumakain, nagdadal-dalan, at ang mga masisispag ay nagrereview. "Wala pa si Mam , buti nalang" wika ni Marj at naupo kami sa tabi ng aming kaklase.

"Ok guys! let's go na! 9:30 na! hindi na dadating si Mam Sipag 2hours lang naman tayo dito diba? so late na siya! gara first class pa naman natin siya di naman alas siete ang pasok natin..."

"Guys! anu ba gagawin natin? malapit na finals hindi naman pumapasok si Mam? napakadalang pumasok once in a blue moon lang yata kung pumasok"

Ilang beses rin kami pumapasok sa klase na Major 1234 na ito ngunit wala naman kami napapala. Sa buong semestre ay tatlo o apat na beses lamang namin siya na kita na nagturo . Isang linggo na lamang ang nalalabi bago mag final exam ng siya ay pumasok.

"ok Class pointers to review are all the cases about OBLIQUE TRIANGLES and open formula" -Mam Sipag

So kami naman todo review at todo gawa ng formula.

Final Exam Day.

"Pass the papers"

tug tug tug tug - ang tunog ng puso times 10 sa bilis at ng binukasan ang aming Test Paper kulang na lang ay lumuwa ang aming mga mata sa aming nakita "Logarithm" IT IS ALL ABOUT LOG!" hindi nalang kami kumibo at salamat sa taas dahl kahit papano ay may natatandaan kami sa aming Math ng 4th year hayskul kami.

grabe ang naranasan namin sa Mam Sipag na iyon mabuti nalang pasado.




-end of SUBJECT CODE I

...to be continued

next SUBJECT CODE: 2nd MAJOR 12345units lang naman